Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Nag-rally, sinibak.. Utos ng CA sa GMA Network: 51 empleyado, ibalik sa trabaho

February 26, 2020

 

Ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) ang reinstatement o pagpapabalik sa trabaho ng 51 empleyado ng GMA Network.


Sa kautusan ng CA 15th Division na ibinaba noong February 15, 2020, “partly granted” ang petition for certiorari ng mga petitioner na mga dating empleyado ng GMA Network.


Ang desisyon naman na may petsang May 31, 2017 at resolusyon na may petsang August 31, 2017 na inisyu ng National Labor Relations Commission (NLRC) pabor sa GMA Network ay binaligtad at isinantabi na ng CA.


Nag-ugat ang kaso sa isinagawang protesta ng mga empleyado ng GMA Network na tinatawag na “TAG” sa harapan ng opisina ng TV network noong 2015.


Ang ibang mga empleyado ay terminated o sinibak sa trabaho habang ang iba ay hindi na na-renew ang kontrata bilang talents.


Kaugnay ng desisyon ng CA, ang 51 empleyado ay pinadedeklara nang regular employees na entitled o dapat makatanggap ng full backwages kasama ang allowance at iba pang mga benepisyo.


Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang GMA Network kaugnay sa desisyon ng CA.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr