Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Kamara, umaksiyon na rin sa prangkisa ng ABS-CBN

February 25, 2020

 

Sinimulan na kahapon ng House Committee on Legislative Franchises ang pagproseso nito sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

 

Ipinakakalap na ni Palawan 1st District Rep. Franz Alvarez, chairman ng komite, ang lahat ng position papers ng mga kongresista at iba pang stakeholders na sumusuporta at  tumututol sa franchise renewal ng broadcast network.

 

Gayunman, sinabi ni Alvarez na matapos makuha ang mga position paper ay pag-aaralan muna  ito. Tatagal ng 30  hanggang  60 araw ang pagkuha nila ng position papers.

 

Sinabi pa ni Alvarez na posibleng maitakda sa Mayo o Agosto ang pormal na pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN.

 

Samantala, hindi  masagot ng National Telecommunications Commission (NTC) ang tanong ng mga kongresista kung magpapatuloy pa rin ang operasyon ng ABS-CBN kahit ma-expire ang prangkisa nito dahil hinihintay pa nila ang pormal na tugon ng

Department of Justice (DOJ) sa kanilang hiling para sa legal opinion.

 

Ayon kay Alvarez, may memorandum of understanding noon ang House of Representatives at NTC na nagsasabing pupuwedeng magpatuloy ng operasyon kahit na-expire ang legislative franchise pero, sa kasaysayan ay nangyayari lang ito kung walang oposisyon sa renewal application.

 

Sinabi naman ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate na dapat ay maikalendaryo na ang pormal na pagdinig sa franchise renewal ng ABS-CBN dahil hindi naman aniya kumplikado ang mga isyu.

 

Samantala, minaliit lang ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagdinig ng Senate Committee on Public Services tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

 

Aniya, tila nag-attendance lang ang lahat ng mga senador na gustong sumipsip sa broadcast network.

 

“Bakit nag-hearing ang Senate? Anong purpose? Parang  nag-a-attendance  sa ABS-CBN. ‘Hello, I’m here, I’m for you.’ Kasi sabi nila it’s not for the franchise kasi hindi pa sila puwedeng mag-hearing sa franchise, nandito pa sa House. So, what’s it for?” ani Cayetano.

 

Kasabay nito, sinabi ni Cayetano na notice o abiso lamang mula sa House Committee on Legislative Franchises ang kailangan para masigurong hindi magsasara at titigil sa operasyon ang ABS-CBN kapag napaso na ang prangkisa nito.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr