Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Quarantine period sa 49 Pinoy na inilikas mula China, tapos na

February 21, 2020

 

Natapos na ngayong araw, Pebrero 22, ang 14 na quarantine period sa 49 Pinoy na una nang inilikas mula sa Wuhan, China.

 

Ayon kay DOH Asec. Ma. Rosario Vergeire, magsasagawa ng send-off ceremony ang DOH para sa mga ito.

 

Tatlumpung Pinoy ang una nang inilikas mula sa China at 19 na crew members ang kasama sa mga isinailalim sa quarantine period.

 

Lahat ng ito aniya, walang sintomas ng COVID-19 na lagnat, ubo at pananakit ng lalamunan. Dahil dito, maaari na silang makabiyahe pauwi sa kanilang mga lugar para makapiling  ang kanilang pamilya.

 

Matatandaan, na sa buong panahon ng kanilang quarantine, ilan sa mga Pinoy na ito ay nadala sa ospital dahil sa diarrhea, mayroon namang nagkaroon ng anxiety at may isang buntis na tumaas ang blood pressure. 

 

Pero matapos silang masuri, lahat naman ay negatibo sa COVID-19.

 

Samantala, nakatakdang dumating ngayong araw ang halos 500 Pinoy mula sa MV Diamond Princess cruise ship sa Japan.

 

Ayon kay DOH Asec. Ma. Rosario Vergeire, mula sa inisyal na pagtaya nila na 500 Pinoy ay nabawasan ito kasunod ng ulat na nasa 52  Pinoy na mula sa cruise ship ang nagpositibo sa COVID-19.

 

Kasunod ito ng impormasyon sa kanila na may 8 pang Pinoy na sakay ng nasabing barko ang nagpositibo sa sakit.

 

Tiniyak ni Vergeire na sa Japan pa lang isinailalim na sa pagsusuri ang mga Pinoy crew at ilang pasahero ng cruise ship na kasama sa ililikas pauwi sa bansa. Ito ay para matiyak na lahat ng iuuwi sa bansa  ay walang sintomas ng virus.

 

At dahil mas marami sila kesa sa mga una nang inilikas mula sa Wuhan, China, dalawang eroplano ang inihanda ng gobyerno para pagsakyan sa mga Pinoy mula sa Japan.

 

Pagdating sa bansa, muling susuriin ang mga ito para masiguro na wala silang sintomas ng virus bago idiretso sa New Clark City sa Tarlac kung saan sila pansamantalang mananatili para sa 14 na quarantine period.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr