top of page
Search
  • Mylene Alfonso

Lalaki na nagkalat ng fake news sa COVID-19, kinasuhan


Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaking nag-upload umano ng video na naglalaman ng mga pekeng impormasyon tungkol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ang nag-viral na video ay nagsimula sa isa umanong babala ng Department of Health (DOH) tungkol sa COVID-19 at nagsasabing may isang Chinese na nangisay sa Ermita dahil sa naturang sakit. Gayunman, pinabulaanan ito ng Manila City Hall.

Pinatawag ng NBI Cybercrime Division ang uploader na si Zaldy Maguigad. Depensa niya, nadala lang siya ng emosyon kaya niya nagawa ang video.

Kasong paglabag sa Article 154 ng Cybercrime Prevention Act ang haharapin ni Maguigad.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page