Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Hamon sa ABS-CBN: 11,000 empleyado, gawing regular

February 21, 2020

 

Hinamon ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap ang pamunuan ng ABS-CBN na gawing regular lahat ng nasa 11, 000 empleyado ng nasabing kumpanya para patunayan na pinapangalagaan nito ang kapakanan ng kanilang mga trabahador. 


Ito ang naging pahayag ni Yap kasunod ng mga isyu na kinahaharap ng ABS-CBN ukol sa kanilang franchise at sa quo warranto petition na isinampa laban sa kanila ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema. 


Nabatid na karamihan umano sa 11, 000 trabahador sa ABS-CBN ay mga talent o contractual ang status sa naturang kumpanya. 


Hinamon din niya ang pamunuan ng ABS-CBN na bayaran ang mga backpay at iba pang benepisyo ng may 120 empleyado na umano’y ilegal na tinanggal noong 2010 at hanggang ngayon ay patuloy na pinaglalaban ang kanilang karapatan sa korte. 


Dagdag pa ng mambabatas, siguraduhin din na maayos at nababayaran lahat ng tama ang kanilang mga empleyado kasama ang lahat ng benepisyo na naaayon sa batas. 


Kung gagawin umano ito ng ABS-CBN, siguradong magsusunuran ang ibang malalaking kumpanya.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr