Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

VFA, ibinasura ni P-Du30.. People Power 4 sa Feb. 25

February 19, 2020

 

Minaliit ng Malacañang ang tangkang pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa February 25.


Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, “wishful thinking” lamang ang mga ikinakasang kilos-protesta.

 

Aniya, may mga nananawagan sa social media na sama-samang magsagawa ng kilos-protesta sa February 25, para ipakita ang pagtutol sa pagbasura ni Pangulong Duterte sa Visiting Forces Agreement (VFA).

 

Paliwanag ni Panelo, hindi magbubunga ang naturang plano dahil mayorya sa mga Filipino ang sumusuporta kay Pangulong Duterte at 100 percent din aniya na nakasuporta ang militar.

 

Kaugnay nito, wala rin umanong nakikitang pangangailangan ang Palasyo na pulungin ang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr