Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Nahawa sa inaalagaang pasyente.. OFW sa HK, may COVID-19

February 20, 2020

 

Isang overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).


Ayon kay DOH Asec. Maria Rosario Vergeire, nahawa ang nasabing OFW sa pasyenteng kanyang inaalagaan, na nagpositibo rin sa virus.

 

Tumanggi namang magbigay ng iba pang detalye si Vergeire hinggil sa nasabing OFW dahil ito pa lamang aniya ang impormasyong natatanggap nila.

 

Una rin namang kinumpirma ng Philippine Consulate General na isang Pinay migrant worker sa Hong Kong ang nagpositibo sa COVID-19.

 

Nasa maayos na umanong kondisyon ang nasabing OFW at wala ng iba pang sintomas ng sakit.

 

Tiniyak din nito na ipinagkakalooban nila ng kinakailangang ayuda ang OFW para sa agarang  paggaling nito.

 

Agad din umano itong palalabasin ng pagamutan sakaling magnegatibo sa sakit.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr