Photo: Kyodonews
Makakauwi na sa Pebrero 23, linggo ang mahigit 500 Pinoy sa kani-kanilang lugar. Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III. Kabilang sa sakay ng cruise ship ang pitong pasahero at 531 crew na tinamaan ng coronavirus.
Dagdag pa rito, patuloy pa ring mananatili ang mga Pilipino sa quarantine site sa Athletes’ Village sa New Clark City.
Hindi pa nagbibigay ng impormasyon ang Department Foreign Affairs (DFA) ang eksaktong oras ng pag-uwi ng mga ito.