Bagamat, ibinaba na ang alerto, nilinaw ni Phivolcs Director Undersecretary Renato Solidum, Jr. na hindi ito nangangahulugan na wala na ang pangamba na magkakaroon ng mapanganib na pagsabog.
Maaari pa rin aniya na may mangyaring mga pagsabog, pagyanig, ashfall at pagbuga ng lava dahil nakataas pa ang Alert Level 3 at anumang oras ay maibabalik sa Alert Level 4 kung magbabago ang mga aktibidad ng bulkan.
Inirerekomenda ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal na magtungo sa Taal Volcano Island na deklaradong permanent.