top of page
Search
  • V. Reyes

Magpaplano sa pagbangon ng mga survivors.. Komisyon para sa Taal


Inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang pagbuo ng Taal Commission at ang mga plano para sa recovery, rehabilitation at adaptation o ang TERRA plan matapos ang kalamidad.

Sa House Bill No. 5977 ni Salceda, ang Taal Commission ang magsisilbing pangunahing ahensiya ng gobyerno na mangangasiwa ng relief operations, resettlement, rehabilitation at livelihood services para sa mga lugar na apektado ng Taal Volcano eruption.

Ang komisyon din ang bahala sa pangangalap ng pondo at donasyon at magmo-monitor sa itatakbo ng pamamahagi ng tulong, gayundin ng mga programa at proyekto para sa pagbangon ng mga apektadong residente at iba pang pinsala.

Oobligahin ang komisyon na regular na magsumite ng detalyadong report sa Office of the President at Kongreso.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page