Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Utos ng DOTr.. Angkas, Joy Ride at iba pa, bawal na?

 

Hindi na papayagang pumasada ang mga motorcycle taxi simula sa susunod na linggo.

 

Ito ay matapos ihayag ni Department of Transportation (DOTr)-Technical Working Group retired Major General Antonio Gardiola, Jr. ang pagtanggal sa pilot testing ng motorcycle taxis.

 

Aniya, napagdesisyunan na ng technical working group na nagpapatupad ng pag-aaral na tapusin na ito nang maaga kahit na wala pang mga konklusyon sa kaligtasan nito.

 

“Ilegal silang lahat,” ani Gardiola.

 

Sakop ng kautusan ang tatlong motorcycle hailing apps na Angkas, Joy Ride at Move It.

 

Ayon kay Gardiola, aprubado na ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagtatapos ng pilot study.

 

Dagdag pa niya, dapat umanong tignan ang desisyon para sa kaligtasan ng mga mananakay at hindi sa konteksto ng mga riders na mawawalan ng hanapbuhay.

 

Una nang inirekomenda ng TWG na paabutin ang pilot test ng motorcycle taxis hanggang sa Marso 23, sa dahilang kulang pa ang mga datos nila sa kaligtasan ng bagong moda ng public utility transportation.

 

Hindi rin umano makausad ang TWG dahil sa ilang ‘legal impediments’.

 

Kaugnay nito, dahil sa kulang sa public consultation, pinagalitan ni Senator Grace Poe ang inter-agency TWG sa kanilang desisyong ihinto ito
“Umaasa kami sa inyo pero, ikakansela n’yo dahil ayaw n’yong gawin ang trabaho ninyo,” ani Poe.

 

“Masyadong  nape-pressure ngayon ang Kongreso na ipasa ang batas pero kulang pa ang datos namin,” dagdag pa ng mambabatas.

 

Samantala, sa harap ng mga nagtipon-tipon na riders ng Angkas sa gate ng

Senado, sinabi ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na kinausap na niya sina

Tugade at Delgra para ituloy ang pilot test sa operasyon ng motorcycle taxi.

 

Nangangahulugan ito na tuloy ang biyahe at hindi muna raw sila huhulihin.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr