top of page
Search
  • Maeng Santos

Nag-post muna sa FB.. Jeepney driver nagbigti


“Panginoon, tulungan mo ako sa hindi ko magandang gagawin.” Ito ang mensahe na ipinost ng isang jeepney driver sa Facebook bago nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang biktima na si ‘Michael’, 39, ng Bgy. Daanghari.

Alas-12:05 ng hatinggabi, napansin ng anak ng biktima na si ‘Mich’, 19, ang ipinost sa FB ng kanyang ama kaya agad itong pumunta sa kuwarto ng biktima.

Rito na niya nadiskubre ang nakabigting ama gamit ang electrical extension na naging dahilan upang agad itong humingi ng tulong sa mga kaanak at mabilis na isinugod ang biktima sa Navotas City Hospital subalit, idineklara itong dead-on-arrival.

Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa insidente.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page