top of page
Search
  • V. Reyes

Ilang taga-Agoncillo, Batangas nakalusot sa checkpoint ng mga pulis


Sa kabila ng mahigpit ang pagbabantay at oras-oras na nagpapatrulya, aminado ang Agoncillo Police na nalulusutan pa rin sila ng ilang matitigas ang ulo na residente.

Maliban sa dalawang lalaki na may sinagip na mga baka at kambing, mayroon ding nasitang sasakyan na may tatlong sakay na palabas ng Agoncillo matapos magpakain ng kanilang mga alagang hayop.

Ayon kay Police Captain Danilo Manalo, naharangan na nila ang lahat ng maaaring lagusan sa bayan pero, may ilan na talagang gumagawa ng sarili nilang daanan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page