Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Medical mission at relief operations sa Taal, non-stop

January 18, 2020

 

Nagsagawa ng panibagong medical mission at relief operation para sa mga evacuee sa Laurel, Batangas.

 

Matapos maghatid ng tulong sa mga apektadong residente dalawang araw pagkatapos ng pagputok ng Bulkang Taal, nagbalik ang pamahalaang Lungsod ng Taguig upang magbigay ng libreng medical assistance at relief packs sa higit 122  pamilya na lumikas dahil sa kalamidad. 

 

Sa naganap na medical mission at relief  operation sa Splendido Evacuation Site sa bayan ng Laurel, nagtulung-tulong ang iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan upang masigurado na mabibigyang-responde ang bawat pangangailangan ng halos 500 indibidwal. 

 

Ang charitable effort na ito ay nagsimula sa isang medical mission na pinangunahan ng Taguig City Health Office matapos humingi ng tulong-medikal ang lokal na pamahalaan ng Laurel para sa mga evacuees nito. 

 

Samantala, ang mga kabataan naman ay tinipon para sa mga palaro, magic at puppet shows upang maging psychosocial support. Ang medical mission at relief operation na ito ay naging posible sa pakikipagtulungan sa mga opisina nina Sen. Pia, House Speaker Alan Peter at Taguig 2nd Dist. Rep. Lani Cayetano.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr