Ayaw umalis ng bahay.. Mga pasaway sa Taal, walang rasyon

January 17, 2020

 

Nagbanta na si Mayor Fulgencio Mercado na hindi bibigyan ng rasyon ng pagkain at tubig ang mga magmamatigas na ayaw umalis sa kanilang mga bahay sa Taal, Batangas.


“Walang pagkain na ibibigay... pagod na kami. Sayang ang effort kapag may nangyari na casualty. Sayang ang effort ng bawat isa... wala nang rescue na aasahan, ire-rescue naman namin ang sarili namin bago sila, wala tayo magagawa,” ani Mercado.


Puwersahan na ang ginagawang paglilikas sa mga residente lalo na ang malapit sa bulkan. Nais makatiyak ng lokal na pamahalaan na walang magbubuwis ng buhay.


Sumunod naman agad ang mga residente dahil alam din nila na delikado na ang sitwasyon.


Parami nang parami ang mga pagbitak ng lupa sa Bypass Road sa Taal. Hindi lang basta bumitak, umangat pa ang kalsada.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.