top of page
Search
  • Levi Gonzales

Nasa drug list ni P-Duterte.. Tserman pinagbabaril sa simbahan


Pinagbabaril ng tatlong lalaki ang tserman sa Bgy. Poblacion, Padre Garcia, Batangas.

Pasado alas-11:00 ng umaga habang nakikipaglibing at nakaparada sa parking lot ng Simbahan ang sasakyan ng biktimang si Roberto Lique, ng Bgy. San Francisco, Lipa City nang lapitan ng mga suspek saka pinagbabaril sa katawan bago nagsitakas.

Nadamay din ang kanyang kapatid na si Nelson Lique.

Agad silang dinala sa ospital at kasalukuyang ginagamot. Ayon pa sa impormasyon, kabilang umano ang biktima sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Regional Level.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa motibo at pagtugis sa mga salarin.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page