Naglalakad sa kalsada, dinukot ng van.. Palasyo, dedma sa kidnapping

December 11, 2019

 

Iginiit ng Malacañang na ligtas pa ring lumabas ang publiko dahil isolated case lamang ang nangyaring kidnapping incident sa Makati City na viral ngayon ang video sa social media.


“I think, that particular incident is isolated. I have not heard of any kidnapping cases reported by the media or whether word of mouth except for the video that went viral,” wika ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.


Kaugnay nito, ipinauubaya ng Malacañang sa Philippine National Police (PNP) ang pagsisiyasat sa nasabing kidnapping incident.


Tiniyak ni Panelo na pananagutin ng PNP ang mga suspek sa likod ng pandurukot sa babaeng Chinese national.


Sa kasalukuyan, ayon kay Panelo, wala pang natatanggap na opisyal na ulat ang Palasyo kaugnay dito.


Gayunman, pinayuhan ng kalihim ang publiko na manatiling alerto at mapagmatiyag sa paligid.


Agad umanong ipagbigay-alam sa mga awtoridad kung may mapansing kahina-hinalang  indibidwal o pangyayari.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.