Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pa-Christmas bonus.. P60-K kada empleyado ng Malacañang

December 4, 2019

Photo: pcoo.gov.ph (left)

 

Magbibigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng P60,000 na Christmas bonus para sa mga empleyado ng Office of the President.

 

Inatasan ng Pangulo si Assistant Executive Secretary Annalyn Tolentino ng Social Secretary Office na ianunsiyo ang Christmas bonus sa tradisyunal na pagsisindi ng giant Christmas Tree sa Kalayaan Grounds sa Malacañang bilang hudyat ng pagsisimula ng Kapaskuhan.

 

“Assistant Executive Secretary Annalyn Tolentino: you may announce P50,000 plus P10,000,” ani Pangulong Duterte.

 

Kaugnay nito, pinasalamatan ng Pangulo ang naturang mga empleyado dahil naging katuwang niya ang mga ito sa pagbibigay-serbisyo sa publiko.

 

Sinabi rin ng Punong Ehekutibo na umaasa siyang patuloy na magsisilbing ilaw sa buhay ng iba ang mga ito.

 

Matatandaang, noong 2018 nasa P50,000 ang bonus ng mga empleyado ng OP.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr