Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Bagyong Tisoy palabas na, isa pang LPA binabantayan

December 4, 2019

Photo: weatherph.org

 

Apat na beses na tumama sa kalupaan ng Pilipinas ang Bagyong Tisoy habang umuusad palabas ng bansa.

 

Ayon kay Benison Estareja, weather specialist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), unang nag-landfall ang bagyo sa Gubat, Sorsogon bandang alas-11:00 kamakalawa ng gabi.

 

Bandang alas-4:00 kahapon ng madaling-araw ang ikalawang landfall sa San Pascual, Burias Island sa Masbate. 

 

Ikatlong landfall ng bagyo sa Torrijos, Marinduque alas-8:30 kahapon ng umaga at ikaapat sa Naujan, Oriental Mindoro alas-12:30 ng tanghali. 

 

Matapos ang unang pagtama sa kalupaan, bahagya nang humina ang Bagyong Tisoy.

 

Hindi na rin umano gaanong makaaapekto ang lakas ng bagyo na unti-unting lumalayo sa kalupaan ng Pilipinas pero, asahan pa rin ang mga pag-ulan. 

 

Ngayong umaga ay maaaring tatambay ng ilang oras sa West Philippine Sea ang Bagyong Tisoy.

 

Huling namataan bandang ala-1:00 kahapon ng hapon sa bisinidad ng Baco, Oriental Mindoro at taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 140 kilometro kada oras at  pagbugsong hanggang 195 kilometro kada oras.

 

Hindi naman nagbago ang bilis ng usad ng bagyo na nasa 25 kilometro kada oras.

 

Tinataya pa rin ng PAGASA na bukas ng umaga ay nasa labas na ng land mass ang bagyo.

 

Samantala, binabantayan din ng PAGASA ang low pressure area (LPA) na nasa bahagi ng Mindanao. 

 

Inaasahan umanong papasok din sa teritoryo ng bansa ang  namumuong sama ng panahon ngunit,  maliit ang posibilidad na maging bagyo.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr