Sumakabilang-buhay na ang biyuda ni JG Summit Holdings Founding Chairman John Gokongwei, Jr. na si Elizabeth Yu Gokongwei, kahapon.
Kinumpirma ng anak nito na si Lance Gokongwei ang pagpanaw ni Elizabeth sa edad na 85.
Pumanaw si Elizabeth isang linggo matapos pumanaw si John.
Ani Lance, magiging pribado ang lamay sa mga kamag-anak at kaibigan.
Matatandaang, Nobyembre 9 nang mamayapa si John Gokongwei Jr. sa edad na 93.