top of page
Search
  • Mylene Alfonso

2 fixers sa City Hall, arestado


Photo: Manila Public Information Office (right)

Huli ang dalawang fixers sa Manila City Hall nang tangkaing singilin ng P5,000 ang isang mag-asawa para iproseso ang late birth certificate ng kanilang anak.

Kinilala ni SMaRT Chief PMajor Rosalino Ibay ang mga suspek na sina Rosainda Lagatierra, 60, at Catherine Corpuz, 42, na inaresto sa loob ng city hall, bandang alas-3:00 ng hapon.

Ayon kay Manila Civil Registry Office Chief Atty. Chris Tenorio, sumisingil lamang ang lokal na pamahalaan ng halagang P240 para sa late registration.

Nadakip ang dalawang suspek sa isinagawang entrapment operation ng SMaRT at MCRO nang magreklamo ang biktimang si Quirico Corpuz sa MPD-SMaRT.

Inakusahan ng biktima ang mga suspek na naningil ng P5,000 para umano ayusin ang late registration bago makapag-isyu ng Certificate of Live Birth.

Dahil dito, nagbabala ang MCRO chief sa mga fixer na patuloy na nag o-operate sa loob ng MCH na ihinto na ang kanilang mga ilegal na gawain. Sinampahan ang dalawang suspek ng kasong robbery extortion.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page