top of page
Search
  • Erlinda Rapadas

May ganern, Vice?!!! Bilin ng yumaong padir: Ion, 'wag gamitin ang katawan para umangat sa buhay

Dati-rati, ang impresyon namin kay Kuya Escort Ion Perez ay sumasakay lamang sa pagkaka-link niya kay Vice Ganda para sumikat at magkaroon ng career. Pero nang mag-guest siya sa programa ni Boy Abunda, mas nakilala namin nang husto ang dating ramp model na galing sa Concepcion, Tarlac, anak-mahirap at tumutulong sa pagtitinda ng kanyang ina.

Dati na rin siyang nanalong Mr. Universe Tourism bago napunta sa It’s Showtime.

Laking-probinsiya kaya may pagka-naive at old-fashioned si Ion. Tumatak sa amin ang bilin daw ng kanyang ama (na yumao na) na huwag ma­ging madamot sa kapwa, huwag manloloko at huwag gamitin ang katawan para lang uma­ngat sa buhay.

Sa interview na ‘yun, nakita namin na totoong tao si Ion Perez at hindi siya “user” kaya minahal nang todo ni Vice Ganda. He’s a good man with a good heart.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page