Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Edad 13-17, 30 mins. a day na lang.. 12-anyos pababa, bawal mag-FB, IG at Twitter

November 15, 2019

 

Bawal nang magkaroon ng access sa social media tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa, ang mga edad 12 pababa.


Ito ang isa sa mga nakapaloob sa House Bill 5307 o Social Media Regulation and Protection Act of 2019 na inakda ni Laguna Representative Dan Fernandez, kaugnay sa nakababahala na umano ang impluwensiya ng social media sa mga kabataan.


Dahil dito, nais ng mambabatas na obligahin  ang social media na maglagay ng limitasyon at restriksiyon sa paggamit sa kanilang mga platforms at huwag payagan ang mga 12-anyos pababa na magkaroon ng account sa kanila.


Sa ngayon, maaaring magkaroon ng access  sa social media ang sinuman kasama na ang mga bata dahil maaaring  gumagamit ang mga ito ng pekeng pangalan at impormasyon.


Kailangan na aniyang matigil ito kaya dapat magkaroon umano ng bagong patakaran ang social media para tiyakin na pawang nasa tamang edad ang mga tatanggapin nilang account.


Kailangan din umanong may limitasyon sa oras ang paggamit ng mga edad 13 hanggang 17 at huwag payagan ang mga ito na ma-access ang mga bawal na impormasyon.


“Automatically, limiting time users can spend on a platform across all devices to 30 minutes a day.  Users would be able to change the limits, they would have to do so every week,” ayon pa kay Fernandez.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr