Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Kilo-kilong karne nasabat sa NAIA

November 14, 2019

 

Sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng Bureau of Animal Industry (BAI) na iwasang magdala  ng karne sa Pilipinas, para umanong naghahamon pa ang ilang pasahero at  binabalewala ang payo ng kinauukulan.


Umabot sa 54 kilos ng iba’t ibang klase ng karne ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 mula sa mga pasaherong galing sa ibang bansa.


Kabilang sa mga nakumpiska ng Customs at BAI ang 18.5 kilograms na chicken meat, 19 kilos na pork meat, 12.5 kilos duck meat at 4 kilograms na beef meat.


Nabatid mula sa Customs na ang mga produktong karne ay nagmula sa Xiamen, Guangzhou at Jingjang, China, Malaysia at Narita, Japan.


Ayon kay BAIA-NAIA Quarantine Service Dr. Reynaldo Quilang, patuloy ang kanilang pagkumpiska sa mga karneng galing sa ibang bansa sanhi sa kawalan ng import permit o mga galing sa bansang tinamaan ng African Swine Fever. 


Dagdag pa nito, naka-focus din ang BAI sa mga footbath na nakalatag sa dinaraanan ng mga pasahero pagbaba sa eroplano.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr