Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Aprub kay P-Digong.. P9.46 bilyong kada taon tipid sa kuryente

November 14, 2019

 

Hinimok ni Marinduque Representative at Chairman ng House Committee on Energy na si Cong. Lord Allan Velasco ang Department of Energy at iba pang industry players na simulan na ang bagong round ng bidding para sa karagdagang power supply contracts.


Aniya, kailangan na ng ating bansa ang dagdag na kapasidad mula sa mga bagong planta upang masabayan ang patuloy na pagtaas ng demand sa kuryente, kasama na rin ang pagsuporta sa “golden age of infrastructure” ng kasalukuyang administrasyon.  


Kasama rin sa benepisyo ng pagkakaroon ng karagdagang power supply contracts ang pagkakaroon ng mga bagong kontrata kung saan mas mababa ang presyuhan nito.  


Nabanggit niya ang mga ito kasunod ng  matagumpay na Competitive Selection Process (CSP) ng Meralco noong Setyembre kung saan nagresulta ito sa pag-award ng Power Supply Agreements (PSAs) para sa kabuuang halaga ng 1,700MW na baseload at mid-merit capacity simula sa Disyembre.  


Nakapaloob  sa mga  PSAs na napirmahan ang mas mababang presyo kaysa sa kasalukuyang generation charge kaya natatayang makatitipid ang mga consumers  ng P9.46 bilyon kada taon sa loob ng 10 taon para sa 1,200MW na kontrata at P4.4 bilyon  naman  kada taon sa loob ng 5 taon para sa 500MW na kontrata.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr