top of page
Search
  • Gina Pleñago

Naglalakad, dinukot, dinala sa condo.. 5 bebot sex slaves ng mga Chinese


Limang babaeng Chinese ang dinukot bago umano ginawang sex slaves ng isang grupo ng Chinese sa isang condominium unit sa Makati City.

Base sa inisyal na report, nakatanggap ng tawag ang tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Makati City Police, alas-12:30 ng hatinggabi mula sa isang 24-anyos na Chinese victim kaugnay sa nangyaring pagdukot at panghahalay sa kanya at apat pa nitong kaibigang Chinese.

Base sa ulat, naglalakad ang biktima kasama ang apat pang kaibigang babaeng Chinese malapit sa Okada Casino and Resorts, Bgy. Tambo, Parañaque City noong Setyembre 9, 2019 ng alas-3:00 ng madaling-araw nang sumulpot ang suspek na si Xiao Ming Wei at limang iba pang lalaking Chinese bago kinaladkad ang mga ito papasok sa isang sasakyan.

Dinala umano ang limang biktima sa isang condominium unit sa Greenbelt Ayala Center, Bgy. San Lorenzo sa Makati City kung saan halinhinan umanong ginahasa ng mga suspek.

Sa kuwento ng biktima, agad na rumesponde ang mga pulis kaya nailigtas sila.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa ikadarakip ng mga suspek.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page