top of page
Search
  • ROMA AMOR

Takot nang magtiwala sa lalaki dahil palaging iniiwanan, pero gusto pa ring magka-BF

Dear Roma,

Ako si Briana, 28 years old. Noon pa man, palagi na lang akong napapasok sa relasyong ako rin ang nasasaktan at iniiwanan sa huli. Dahil dito, naging mahirap para sa akin ang muling magtiwala sa mga lalaki. Naging sobrang lung­kot ng buhay ko, da­hil hindi ko alam kung darating ang araw na pi­napangarap ko bilang babae— ang magkaroon ng lalaking magmamahal sa akin nang tunay at mag-aalis sa akin sa ma­lungkot kong buhay. Sa tingin mo ba, Roma, ma­giging maligaya pa kaya ang mundo ko? — Briana

Briana,

Maraming salamat sa pagbahagi mo ng iyong pinagdaraanan. Alam mo, Briana, isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagtatagal ang relasyon ay dahil sa ma­dalas na iniisip ng mga tao na ito ang paraan para ma­ging makulay ang mun­do natin. Ang buhay ay hindi puro lungkot lang. Kahit pa­ano ay may mga pagkakata­on din na puno ito ng kulay at ligaya. Ang pagpasok sa relasyon ay hindi natin da­pat itinuturing na paraan para lumigaya, ito ay ka­rag­dagan lamang sa maliliga­yang parte ng buhay natin dahil walang perpektong relasyon na mala-fairytale. Gayunman, huwag kang ma­walan ng pag-asa. Da­rating din ang araw na ma­kikilala mo ang iyong ‘the one’. Sa ngayon, mag-focus ka muna sa pagre-rebuild ng sarili mo. Kusang da­rating ang pag-ibig. ‘Yun lang, good luck at God bless!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page