top of page
Search
  • Jersy Sanchez

5 patay, mahigit 20 sugatan sa pamamaril

NASAWI ang lima katao habang sugatan naman ang mahigit 20 sa panibagong insidente ng pamamaril sa Texas, USA.

Ayon kay Odessa Police Chief Michael Gerke, tatlong pulis umano ang kasama sa mga nasugatan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag­mamaneho ang suspek nang isagawa nito ang pamamaril.

Puwersahan umanong kinuha ng suspek ang U.S. mail carrier truck at saka ito pinaandar habang namamaril.

Matatandaang, isang buwan nang nakalilipas nang mangyari ang naunang insidente ng mass shooting sa El Paso, Texas kung saan 22 katao naman ang nasawi.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page