top of page
Search
  • BULGAR

Mahigit 600,000 online job fair, ilulunsad sa Setyembre

ni Twincle Esquierdo - @Business News | July 13, 2020



Inilunsad ng Civil Service Commission ang mahigit 600,000 online job fair kasama ang iba’t ibang kumpanya.

Magsisimula ito sa Setyembre 14 hanggang 18, kahit nasa bahay ka lang ay puwedeng mag-apply at kahit walang civil service eligibility.

Kinukumbinsi ang lahat ng government agencies na makiisa hanggang Agosto 14 at sabihin sa kanila ang kaninang job vacancies.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, "Walang babayaran ang agencies that will enroll and the jobseekers who will apply,"

Ngunit sa dami ng mga aplikante ay hindi madaling makipagsabayan sa mga ito dahil nauna ng sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Hunyo na umabot sa 7.3 milyong mga Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Isa pa rito, marami ring mga OFW’s ang umuwi at wala ring trabaho dahil sa kanselado ang mga flights dulot ng pandemya.

Halos 40,000 job vacancies naman ang inaaalok ng JobStreet. Ayon kay Yoda Buyco, marketing director ng JobStreet, "Mayroon tayong halos 4,000 sumagot sa ating survey... isa sa lima, so that's 20 percent ay nawalan ng trabaho, sila raw po ay na-retrench permanently noong Mayo,"

"Mayroon naman pong 47 percent or 5 sa 10 na nagsasabi na kami ay temporarily hindi nagtatrabaho, so either naka-hold ang posisyon... or kung hindi man, sila ay naghihintay ng desisyon ng kompanya," dagdag pa nito

Ayon sa Trabahanap ay tumaas ang demand para sa mga call center agents. Isa rin sa may mga bakante ay sa sales, factory, production worker, driver at helper.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page