top of page
Search
  • BULGAR

Helper, nagnakaw ng daanglibo, arestado

ni Twincle Esquierdo | September 29, 2020




Arestado ang isang helper mula sa Muntinlupa matapos mahuli sa akto na pinagnanakawan umano nito ang kanyang amo ng mahigit kalahating milyon ngunit P100,000 lamang ang na-recover.


Ayon sa Southern Police District, nangyari ang krimen sa subdivision sa Barangay Putatan. Pagpasok ng amo sa kuwarto ay agad niyang nakita ang kanyang helper na kinukuha ang safety deposit box, sumigaw ito at tinawag ang asawa.


Agad namang tumakbo papalayo ang suspek ngunit agad siyang nahuli ng lalaking amo.


Nakuha sa kanya ang P100,000 ngunit nagtataka sila kung saan napunta ang P444,000 sa kanilang vault.


Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung saan napunta ang nawawalang P444,000.


Dinala naman sa Muntinlupa Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong qualified theft.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page