top of page
Search
  • BULGAR

92 police trainees, positibo sa COVID-19

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 1, 2020



Positibo sa COVID-19 ang 92 police trainees at training officers, ayon sa Baguio City police.


Ayon kay Baguio Police Chief Col. Allen Rae Co, ang mga police trainees na nagpositibo sa coronavirus ay ipinadala sa Baguio noong March para sa anim na buwang on-the-job training.


Aniya, “As of yesterday, there are already 92. Isa pong nakakalungkot ay ito ‘yung mga kasama natin mismo noong pagsisimula ng pandemya.”


Saad pa ni Co, “Combination na ito ng police trainees at field training officers. Itong training officers natin, ito ‘yung mga senior natin na mga sergeants na sila ang naggagabay at nagtuturo sa mga bagong pulis.”


Maaari umanong nakuha ng mga naturang personnel ang COVID-19 sa mga lockdown areas sa Baguio.


Pahayag din ni Co, “Pa-graduate na sila supposedly kahapon o ngayon. Most probably nakuha po nila sa pagdyu-duty po sa lockdown areas... Sa dami po nila, medyo ‘di maiwasan na sila ay nagkakabanggaan."


Naka-quarantine na rin umano ang 200 trainess na nagkaroon ng close contact sa mga

nagpositibo sa Covid-19, ayon sa Philippine Information Agency.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page