top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg
Search

ni Mai Ancheta @News | July 8, 2023




Tinuldukan ng YouTube ang account ng Sonshine Media Network International (SMNI) na pag-aari ng lider ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy nitong July 7, 2023.


Kapag hinanap ang SMNI sa search engine ng YouTube ay hindi na ito makikita at lalabas ang abiso na, "This account has been terminated for violation of YouTube's Terms of Service".


Inalis din ng YouTube ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na pag-aari din ni Quiboloy at ang YouTube channel na "Laban Kasama ang bayan ni Lorraine Badoy, dating opisyal ng Malacañang sa ilalim ng Duterte administration.


"Google is committed to compliance with applicable US sanctions laws and enforces related policies under its Terms of Service. After review and consistent with these policies, we terminated the Laban Kasama ang Bayan, KOJC & SMNI YouTube channels."


Ang SMNI ay mayroong tinatayang 1.7 million subscribers.


Matatandaang noong June 21, 2023 ay tinerminate din ng YouTube ang channel ni Quiboloy matapos ireklamo ng isang netizen dahil umano sa pagkakaroon ng kaso nito sa Amerika.


 
 

ni Mai Ancheta | June 22, 2023




Binura ang YouTube channel ng kilalang pastor na si Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ dahil sa paglabag sa community guidelines.


Inianunsiyo ng YouTube sa Twitter nitong Miyerkules ang pag-terminate sa account ni Quiboloy matapos punahin ng isang netizen at Youtuber na si Mutahar ang pagpapatuloy ng account ng pastor gayong may kaso ito at wanted sa Federal Bureau of Investigation (FBI).


Sa Tweet ni Mutahar, pinagsabihan niya ang Team YouTube na tulungan ang mga awtoridad at alisin ang account ni Quiboloy dahil sa umano'y human trafficking.


"Yo someone at @TeamYouTube has to help the feds or shut down this account. Actual human trafficking priest is running a channel still reaching out to victims less than 12 hours ago," anang bahagi ng tweet ni Mutahar.


Agad namang tinugon ng Team YouTube ang tweet at inanunsyo na lumabag umano sa kanilang community guidelines si Quiboloy.


"Hey, update here: upon review, we've determined that the channel is in violation of Community Guidelines & has been terminated," anang Team YouTube.


Matatandang inilagay ng FBI sa kanilang most wanted list si Quiboloy simula noong February 2022 dahil sa umano'y sex trafficking, fraud, coercion at pagdadala ng malaking halaga ng pera sa Amerika na itinuturing na bulk cash smuggling.


Sinubukan ng ilang miyembro ng media na makuha ang panig ni Quiboloy subalit "no comment" ang sagot ng kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 22, 2022



Umabot na sa 10 billion views ang isa sa mga paboritong kanta ng mga bata sa YouTube, ang “Baby Shark”.


Napakahalagang milestone nito para sa mismong video at sa YouTube dahil bukod sa ito ang most viewed video sa naturang platrform, ito rin ang kauna-unahang video na nakapagtala ng 10 billion views.


Ang kantang ito ay ini-release noong 2016 ng South Korean educational company na Pinkfong.


“Today we mark history with our special milestone!” pahayag ng Pinkfong sa Facebook page nitong Huwebes.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page