top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | November 5, 2025



WINNER - RITA_ MCLAUDE, PERFECT ONE FOR ME_IG _missritadaniela

Photo: IG _missritadaniela



Buong-ningning na ibinandera ni Rita Daniela ang bago niyang boyfriend sa kanyang Instagram (IG) post kahapon.


Sobrang tamis ng mga larawang ipinost ni Rita with her basketball player boyfriend na si Mclaude Guadana.


May nakakakilig na palitan nila ng mga notes na nakasulat sa picture na best describes kung ano ang nararamdaman nila sa isa’t isa sa sandaling iyon. 


Mayroon ding video kung saan makikita ang paghalik ni Mclaude kay Rita.


Sa unang picture, makikita na nagtatawanan sina Rita at Mclaude at may nakasulat na: “He makes me laugh so effortlessly,” at “My heart smiles when she smiles.”


Sa next picture, ini-reveal ni Rita na naka-tatlong beses na silang nag-date ni Mclaude. 

Sa sumunod na picture naman, tila nagpaplano na sila na ma-meet ang kani-kanilang mga mahal sa buhay.


Mayroon ding picture kung saan tinawag ni Mclaude si Rita na, “My best actress.” 

Sagot ni Rita, “This guy,” na may arrow na nakaturo kay Mclaude, “He’s the perfect one for me.”


Bumaha ng red hearts sa comment section ng IG post ni Rita mula sa kanyang mga showbiz friends at followers.


Sa caption, tinawag ni Rita si Mclaude bilang kanyang soulmate.

Caption ni Rita sa kanyang IG post kahapon, “Souls found their mate (white & black heart emoji).”


So, soulmates ang feeling nila sa isa’t isa.

Well, let’s see…



DOUBLE WIN ang iniuwi ng sikat na aktres na si Arci Muñoz at direktor na si Nijel de Mesa sa bansa.


Si Arci ay nagwagi sa katatapos lang na 20th Asia Model Festival (AMF) sa Seoul, South Korea. 


Kabilang na ngayon si Arci sa hanay ng mga natatanging aktor tulad nina Jung Ho Yeon (Squid Game) at Song Joong-ki (Descendants of the Sun) na nanalo rin ng kaparehong award. Sina Arci at Direk Nijel ay ang mga producers ng NDM Studios.


Habang nasa South Korea ang aktres para tanggapin ang award at mag-shooting ng reality show na Kumusta with K-drama actor Ji Chang Wook, nasa Singapore naman si Direk Nijel de Mesa para maglunsad ng NDM Plus.


Ang NDM Plus ay ang official global streaming platform ng NDM Studios. Inilunsad ito kasabay ng pagdiriwang ng 25th anniversary ng NDM Studios sa katatapos lang na NDM Expo sa Singapore.


Sari-saring palabas ang mapapanood sa streaming platform na NDM Plus — may award-winning films, travel and lifestyle, animation, horror, romantic comedy, at red-band anthology series, kabilang na ang ilang Japanese at Chinese series.


Lahat ng ito ay matagal nang hinihintay ng publiko dahil limang taon din itong binuo ni Direk Nijel kasama si Arci at ang mga creatives ng NDM Studios.


Kinilala si Direk Nijel bilang kauna-unahang Pilipino na naglunsad ng isang global streaming platform sa Singapore.


Dumalo sa okasyon ang ilang artista sa Singapore, ang OFW community, mga executives ng Sony Pictures Asia, at maging si Vice-President Sara Duterte.


Heto pa, mapapanood na rin sa wakas ang award-winning movie nina Arci, Kiray Celis, at Janelle Tee na Malditas in Maldives (MIM). Mapapanood din ang Coronaphobia na pinagbibidahan nina Daiana Menezes, Will Devaughn, Paolo Paraiso, at marami pang iba sa NDM Plus.


Para mag-subscribe, magtungo lamang sa NDM Plus website.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | October 18, 2025



IG @beaalonzo

Photo: IG @beaalonzo



Tinapos na ni Bea Alonzo ang mga espekulasyong kumakalat na buntis siya.

Sa kanyang Instagram (IG) post kahapon ay diretsahang sinagot ni Bea ang tanong ng mga Marites if true na nabuntis na siya ng kanyang businessman boyfriend na si Vincent Co.


Ipinost ni Bea ang kanyang larawan na may hawak na birthday cake.

Una ay nagpasalamat muna ang aktres sa lahat ng nagpakita ng pagmamahal at bumati sa kanyang kaarawan. 


Pangalawa, ang paglilinaw niya sa nag-viral na larawan niya kung saan napagkamalan na siya ay nagdadalantao.


Caption ni Bea: “Thank you for all the birthday love (heart emoji). Feeling so grateful for another year of laughter, growth, and the people who keep me grounded.


“And for anyone curious about the picture – just caught at a bad angle after an amazing dinner (calm emoji). Glowing, not expecting (stars emoji).”

Klaro na ba ‘yan? 


Anyway, bumaha ng birthday greetings kay Bea sa comment section ng kanyang IG post kahapon.


Pagbati ng girlfriend ni Joshua Garcia na si Emilienne Vigier, “Joyeux Anniversaire (happy birthday in French), Bea!!! May more blessings come your way.”

Sigaw ni Anne Curtis, “Happy, happy birthday, Beeeeei. Miss you!!!”


“Happy birthday, B!!! (heart with arrows emoji),” comment ni Sarah Lahbati.



PERSONAL na sumugod si Primetime King Coco Martin sa Tonsuya, Malabon para taos-pusong magpasalamat at maghatid ng saya sa masusugid na manonood ng Kapamilya teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Kasama ang ilan sa kanyang mga co-stars sa serye, sinorpresa ni Coco ang 65-anyos na si Albino Alcoy na tatlong taon nang tumututok sa serye gabi-gabi. 


Namigay din ang aktor-direktor ng ilang regalo bilang bahagi ng ‘Katok Bahay’ program ng serye.


“Finally, ako naman ang pumunta sa kanilang mga tahanan para makapagpasalamat sa kanila nang personal at mayakap sila. Kasi sobra-sobrang biyaya ang ibinigay nila sa amin,” sabi ni Coco sa isang interview sa TV Patrol.


Ibinahagi rin ni Coco na malapit sa puso niya ang Tonsuya dahil dito nila kinunan ang ilan sa mga unang eksena ng BQ na ngayon ay nasa ikatlong taon na. 

Nagpaulan din ng pagmamahal si Coco sa iba pang mga residente na naka-bonding din niya sa kanyang pagbisita.


Patuloy na bibisitahin ni Coco at ng FPJ’s Batang Quiapo team ang iba pang mga lugar sa Pilipinas bilang bahagi ng ‘Katok Bahay’ para pasalamatan ang mga Kapamilya na walang sawang sumusuporta sa programa. 


Para makakuha ng updates, bisitahin ang ‘batangquiapo’ via ABS-CBN website. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook (FB), X (dating Twitter), Instagram (IG), at TikTok (TT) o bisitahin ang ABS-CBN newsroom website.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | October 12, 2025



Richard Poon - IG

Photo: Richard Poon - IG



Inulan ng batikos ang Filipino-Chinese singer-songwriter na si Richard Poon sa post ng isang restaurant sa Marikina City kung saan nakatakdang mag-show ang tinaguriang “The Philippines’ Big Band Crooner”.


Hindi pa rin pala tinatantanan ng mga bashers si Richard sa pag-endorso niya kay former President Rodrigo Duterte nu’ng tumakbong pangulo. 


Sa madaling salita, isang DDS (diehard Duterte supporter) si Richard.

Sey ng mga netizens…

“A Big NO to DDS!!"

“Hell no. DDS ‘to si Poon.”

“Kulto = Poon.”


Pero may mga nagtanggol naman kay Richard at sey ng fan, “The guy is brilliant and talented. To hell with politics.”


Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pangungutya kay Richard sa pagiging DDS.

“Bring him home? Nope!”


Hindi ito pinalampas ni Richard at sinagot niya ang isang komento.

Reply ni Richard, “Hi! Michael ****, sadly no, I wear a black full suit with white inner when I play music for Senior Citizens.”


Isa pang comment-post ang pinatulan ni Richard.

Comment ng netizen, “Kaya pala ‘di na nakikita sa ASAP, DDS pala! Idol ko ‘to, eh, manonood sana ako sa gig n’ya, kaso nu’ng nabasa ko mga comments, nawalan na ako ng gana. Sa isang iglap naging DEMONYO na rin ang tingin ko sa maamong mukha n’ya! Magagaya rin ito kay Jimmy Bondoc, lalangawin ang mga concerts at gigs.”


Reply ni Richard sa netizen, “Naging demonyo na tingin mo sa mukha ko? Because I do not subscribe to your preferred political beliefs?”


Pati ang eskuwelahan na pinasukan ni Richard ay nalait.

Sey ng isang netizen, “La Salle nag-aral pero DDS. Sayang ang tuition fee.”

Of course, sumagot ulit si Richard, “Sayang ang tuition fee? I don’t believe I need to demonize my deceased father’s hard-earned money to send me to school just because I don’t subscribe to your political beliefs.


“And all DLSU graduates should have your same political beliefs in order to justify tuition fees? I think not. Stay healthy & safe,” sabi ni Richard Poon.

Oh, ‘di ba?



SPOTTED namin si Enrique Gil na palabuy-laboy sa sinehan sa Shangri-La EDSA kung saan ginaganap ang Cinemalaya.


Ewan ba namin kung bakit tila gustong itago ng aktor ang kanyang mukha sa mga tao roon. Nakasuot kasi siya ng sumbrero na nakababa na halos matakpan na ang kanyang mga mata. Tila ayaw niyang makilala o mabati ng mga tao.

Mabuti na lang at hindi naman ganoon karami ang tao na nagpunta sa Cinemalaya event kaya mabibilang lang talaga sa mga daliri ang nakapansin kay Enrique. 


Although, hindi rin siya ganoon ka-welcoming sa mga bumabati sa kanya. Paglampas at paglingon namin muli kay Enrique, naglaho na siyang parang bula habang kami naman ay pumasok na sa loob ng Cinema 2 ng Shangri-La para makinig sa book reading ng dalawang bagong libro ng National Artist for Film na si Ricky Lee.


Ang dalawang bagong libro ni Sir Ricky ay ang Pinilakang Tabing at Agaw-Tingin (Koleksyon ng non-fiction ni Ricky Lee).


Ang mga batikang direktor ang mga nagbasa ng excerpts sa mga libro ni Sir Ricky. Una na d’yan ang box-office director na si Erik Matti na sinundan nina Jerrold Tarog, Paolo Villaluna, Zig Dulay, Jade Castro, Carlitos Siguion-Reyna, Laurice Guillen atbp..


Hindi nakarating ang iba pang directors na inimbita para sa book reading gaya nina Cathy Garcia-Sampana at Joel Lamangan.


Nakahabol at nag-perform naman si Karylle kasama ang dalawang Tawag ng Tanghalan (TNT) champions. Pinilit talaga niyang makahabol mula sa live episode ng It’s Showtime (IS) at sa taping nito. Hindi agad nakaalis si Karylle sa taping dahil umupo pa siya bilang isa sa mga hurado sa TNT.


Anyway, tama si Sir Ricky when he said na mas mahusay ang pagbabasa sa mga linya sa kanyang libro ng mga direktor kaysa sa mga artista sa mga nakalipas niyang book reading events.

Agree kami d’yan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page