top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | January 14, 2026



Piolo Pascual - IG Bench

Photo: Piolo Pascual / IG



Pinainit ni Piolo Pascual a.k.a. Papa P ang social media nang inilabas ang video ng photoshoot niya para sa pagbabalik niya bilang underwear endorser ng kilalang local clothing brand.


Abs overload ang regalong hatid ni Papa P sa mga netizens sa mismong araw ng kanyang kaarawan nang mag-viral sa social media ang kanyang daring photoshoot last Monday.


Nag-apoy ang social media dahil dito. Todo ang reaksiyon ng mga netizens sa pasabog na abs reveal ni Piolo habang rumarampa sa underwear shorts.


Sey ng mga netizens:


“Grabe!!!! (fire and heart emoji).”

“Hotness never fades (fire emojis).”

“Grabe naman ‘yan, Papa P.”


Hindi talaga kinaya ng mga netizens ang tindi ng dating ni Piolo sa video na agad nag-viral at pinagpiyestahan online.


“Nag-iisa lang ang Papa P. Piolo pa rin sa 2026.”

“Papa P forever (heart emojis).”

“Happy Monday talaga, literal.”


Piolo just turned 49 last Monday. Next year, golden boy na si Papa P.

“Sino ang magsasabi na 49 would look this great. Nakaka-inspire.”


“Akala ko si Josh ng SB19.”

“Napakasarap!”


True…



21 ang babae, 20 ang lalaki… 

JUDAY, PASIMPLE RAW INIRERETO ANG ANAK SA BINATA NI JODI



PINUNTAHAN ni Jodi Sta. Maria ang restaurant ni Judy Ann Santos kasama ang kanyang anak na si Thirdy Lacson.


Ipinost ni Jodi sa kanyang Instagram (IG) ang video ng pagkikita nila ni Juday sa restaurant ng aktres.


Personal silang sinalubong ni Juday mula sa kusina upang batiin pagdating nila sa kanyang restaurant.


Excited ang dalawang aktres na nagtsikahan at personal na ipinakilala ni Jodi si Thirdy kay Juday.


Gulat na gulat na tinanong ni Juday si Thirdy kung ilang taon na siya.

Sagot ni Thirdy, “20 (years old).”


Tsika naman ni Juday, “21 (years old) si Yohan.”


Dahil dito, buking si Juday ng mga netizens sa umano’y panrereto nito ng anak niyang si Yohan kay Thirdy.


Ilan sa mga komento ng mga netizens ay… “21 si Yohan, Hahaha!”

“Lowkey reto (laughing emoji).”

“Ang cute ni Juday pero may GF na si Thirdy.”

“Typical na nanay na mang-lowkey reto sa anak (laughing emoji).”


Puwede…


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | January 11, 2026



WINNER - DINGDONG AT MARIAN, NAG-POST NG PIKTYUR NA HAPPY TOGETHER_FB Dingdong Dantesl

Photo: FB Dingdong Dantesl



Nginusuan lang ng power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang piktyur na ipinost nila sa kanilang Facebook at IG page.


Pang-asar daw ito ng mag-asawa sa mga nagdadawit sa kanila sa kumakalat na blind item sa social media tungkol sa celebrity couple na on the rocks ang marriage.


Si Dingdong kasi ang tinutukoy ng ibang netizens sa blind item na mestizo hubby na nagpi-flirt daw sa ibang babae. At tanggap naman daw ito ng kanyang misis para hindi masira ang kanilang pamilya.


Caption ni Dingdong sa piktyur nila ni Marian na naka-nguso, “Day two ng kanyang workout for 2026 at fresh pa rin (smile emoji) Marian Rivera.”


Na-happy ang mga fans nina Dingdong at Marian sa latest post ng Kapuso actor.

“Oh ‘yan, super-kilig, ‘di ba? Nasaan na r’yan ‘yung pa-blind item pa kayo?”

“Confirmed, hindi sila.”


“Hahaha! ‘Yun, nag-upload si Daddy Dong. Mga Marites kasi, manghuhula sila. Sila raw ang power couple na naghiwalay na. Stay strong, DongYan.”


Dahil diyan, nanghula ang mga netizens ng ibang celebrity couples na sa tingin nila ay pasok sa blind item.


Sey ng mga netizens:


“It’s either Anne and Erwan, K and Yael, Heart and Chiz.”


“For me, Luis and Jessy or Toni and Paul.”


“Yeah, same. Super in love si Paul kay Toni.”


So, sino nga kaya?



Deboto ng Nazareno…

COCO, JOIN SA TRASLACION 2026



ISA si Coco Martin sa mga celebrities na nakita sa simbahan ng Quiapo sa ginanap na Kapistahan ng Hesus Nazareno noong nakaraang Biyernes. 


Alam ng marami na deboto ng Hesus Nazareno ang aktor at hindi ito nagmi-miss sa pagpunta sa Quiapo tuwing Pista ng Nazareno.


Noong nakaraang taon, nagkaroon pa ng entablado sa isa sa mga maliliit na kalsada sa gilid ng Quiapo ang produksiyon ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na pinagbibidahan ni Coco.


Siyempre, maraming dapat ipagpasalamat si Coco sa mga biyayang ginawa ng Panginoon sa personal life at career niya. Hanggang ngayon ay umeere pa rin ang BQ kahit marami nang nagbalitang mawawala ito sa ere.


Patuloy pa ring namamayagpag ang action-drama serye ni Coco, gaya na lang sa huling episode ng hit Kapamilya action series kung saan matindi ang sagupaan nina Coco Martin at Baron Geisler matapos na bigong patayin ni Rockyboy (Baron) si Tanggol (Coco). 


Napapanood na rin ito sa Kapamilya Channel sa ALLTV2.


Hindi umubra kay Tanggol ang kalupitan ni Rockyboy nang subukan nitong patumbahin siya habang nakasuot ng costume na parang serial killer. Kahit nag-aagaw-buhay na si Tanggol bago pa ang pag-atake ni Rockyboy, nagawa pa rin niyang makaganti sa kabila ng madugong engkuwentro.


Ngayon, kailangan nang gumawa ng panibagong plano ni Tanggol bago pa siya maunahan ni Rockyboy, na gigil na gigil makaganti dahil sa pambubugbog na ginawa sa kanya ni Tanggol noong una nilang pagkikita.


Napapanood ang FPJ’s Batang Quiapo sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang Kapamilya Channel sa ALLTV2.


Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 PM, sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Cinemo, iWant, at Kapamilya Online Live.

Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel sa cable at IPTV.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | January 4, 2026



WINNER - CHAVIT, TINAWAG NA NAG-IILUSYON NG CEO NG MISS UNIVERSE, IDEDEMANDA PA_FB Luis Chavit Singson

Photo: FB Luis Chavit Singson



Tinawag na ‘delusional’ si dating Gov. Chavit Singson ng Miss Universe Organization (MUO) Chief Executive Officer (CEO) and president na si Raul Rocha.


Nag-ingay kasi si Chavit sa intensiyon niyang bilhin ang Miss Universe beauty pageant. And in fact, may mga nakausap na raw siyang executives ng MUO, at naglatag na rin daw siya ng kanyang demands sa MUO bago ito bilhin.


Nakausap daw ni Chavit at ng kanyang anak na si Congresswoman Richelle Singson si Shawn McClain na dating Miss Universe Vice-President.


In-update raw sila ni Shawn sa possible acquisition talks on MUO.


Dagdag pa ni Chavit, hindi na raw pag-aari nina Raul at Anne Jakrajutatip ang MUO. Pareho raw may warrant of arrest ang dalawa.


But according to our source na insider sa Miss Universe, pinabulaanan ang tsika na maaaring bilhin ni Chavit ang Miss Universe dahil hindi naman daw ibinebenta ang sikat na beauty pageant, as of this writing.


“Of what I know, as of now, it’s not being sold,” sabi pa ng aming source.

True enough, after a few days ay nagsalita na mismo ang MUO top executive na si Raul Rocha at sinupalpal ang claim ni Chavit na pagbili sa kanyang beauty pageant.

Ang matindi pa, binantaan ni Raul si Chavit sa possibility of a court case.


Pahayag ni Raul, “I’m fed up with that delusional fool and his daughter making statements, dreaming of something he wouldn’t be able to achieve in a hundred years. Keep dreaming. My lawyers will put an end to it.”


May tsika rin kami from our source na matagal nang wala si Shawn sa MUO.

‘Yun naman pala!



Obyus sa piktyur kasama ang pamilya ng mister… CLAUDIA, PINAGPIPIYESTAHANG BUNTIS NA



VIRAL ang picture nina Erich Gonzales at Claudia Barretto kasama ang kanilang sisters-in-law and mother-in-law.


First time raw kasi na may lumabas na magkasama sina Erich at Claudia sa isang family portrait ng mga babaeng kabilang sa Lorenzo clan ng kani-kanilang mister.

Magkapatid na Lorenzo ang naging asawa nina Erich at Claudia. Si Basti Lorenzo ang mister ni Claudia, at si Mateo naman kay Erich.

Isang dosena pala ang magkakapatid na Lorenzo.


Reaksiyon ng mga netizens sa family picture nina Erich at Claudia… “Para silang Mormon wives, ‘noh? Tama ba ‘yung napili kong kulto? Anyway, next siguro si Julia?”

“Secret lives of Mormon wives ang peg,” sabi pa ng isang netizen.


Anyway, nagduda ang ilang netizens na baka buntis na si Claudia. Hawak kasi nito ang ilalim ng kanyang tiyan na parang lumobo.


Sey ng mga Marites… “Looks like preggy na rin si Claudia. Gaganda nila, in fairness.”

“Wow, congrats kung preggy si Claudia!”


“The placement of the heart emojis sa abdomen ni Claudia is so sus (suspicious).”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page