top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | July 29, 2025



Photo: Robin Padilla, PBBM at VP Sara - FB



Sinimplehan ang pagdaraos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa Batasang Pambansa this year. Pero ‘di rin napigil ang pabonggahan ng suot ng mga mambabatas at kanilang mga asawa, lalo na ang mga kababaihan.


Unahin natin si Heart Evangelista na laging inaabangan ang white terno na isinusuot tuwing rumarampa sa Senate at Congress with her husband na nabotong muli bilang Senate President na si Francis “Chiz” Escudero.


Dalawang outfits both made by Michael Leyva ang isinuot ni Heart kahapon. 

Una ay ang barong top and woven Filipiniana skirt na suot niya na inilarawan ni Heart sa kanyang Instagram as “Perfection in Simplicity”  sa pagsumpang muli ni Chiz as Senate President.


Pagkatapos ay nagpalit na si Heart ng white long terno pagpasok ng House of Representatives kung saan ginanap ang SONA ni Pres. Marcos. 


Gawa naman ni Mark Bumgarner ang suot ni Department of Justice Undersecretary

Margarita Gutierrez.


Marami naman ang nagulat sa pagdating ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach-Jauncey sa Congress wearing a modern white Filipiniana suit.


For sure, babatikusin si Pia ng mga bashers niya sa kanyang surprise appearance sa Congress at pagsasabungin na naman sila ni Heart ng mga netizens. 


Pero may katuturan ang pagdalo ni Pia sa SONA dahil siya ang bagong ambassadress ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Pinapunta at sinamahan siya sa Congress ni OWWA Chief Patricia Yvonne "PY" Caunan.


Samantala, sang-ayon si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa utos ni Pres. Marcos na i-tone down ang mga handa sa SONA niya kahapon.


Say ni Sen. Kiko sa interbyu, “Dapat lahat ng SONA ganito… simple lang, ‘di ba?"

‘Di rin nakalampas na itanong kay Sen. Kiko kung nasaan ang kanyang misis na si Megastar Sharon Cuneta.


“Oh, she’s in uh… may inaasikaso. Saka,  tatlong dosena, dalawang dosenang SONA na ata ito (na ‘di dumadalo si Megastar),” ngiti ni Sen. Kiko.


No appearance rin sa SONA ang dating leading man ni Mega na si Sen. Robin Padilla, gayundin si Vice-President Sara Duterte na babalik pa lang ng bansa sa araw mismo ng SONA.


Tila nag-walkout naman ang kapatid ni VP Sara na si Paolo “Pulong” Duterte na congressman sa bayan nila sa Davao. 


Nakunan ng kamera si Paolo na palabas ng Congress nu’ng ‘di pa nagsisimula ang SONA ni Pres. Marcos.

Oh, well.



INALALA ni Mark Herras ang ika-11 taon ng kamatayan ng kanyang ama na si Claudio Herras, Jr. or Daddy Jun.


Ipinost ni Mark sa kanyang Instagram ang picture ng kanyang ama at isang madamdaming mensahe ang inilagay sa caption.


Nag-react ang mga netizens sa inilagay na statement ni Mark. Paano kasi ay pabirong sinabi ni Mark na nagpapasundo na siya kay Daddy Jun.


Mensahe ni Mark, “11 years in heaven dad.. love you dad thank you for everything na ginawa mo para sa ‘kin, ayaw mo pa ba akong sunduin? Hahaha! Enjoy lang po kayo d’yan kasama si Mama, Mamang & Papapim… Miss you, guys!💔😔”


Siyempre, huwag muna. Isa na ring ama si Mark ngayon sa 2 anak nila (Corky and Mija) ng misis niyang si Nicole Donesa, kaya alam niya ang feeling na ‘di kasama ng mga bata ang kanilang ama.


Saka, ang bata pa ni Mark para sumuko sa buhay. Marami pang mangyayari sa kanya. 


At maaaring isa d’yan ay ang pagsuporta niya sa kanyang kaibigan na si Jojo Mendrez na maglalabas ng bagong kanta under Star Music.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 28, 2025



Photo: Claudia Barretto / Dennis Padilla - IG



Deleted na ang post ng pagbati ni Dennis Padilla sa anak na si Claudia Barretto sa kaarawan nito.


For whatever reasons ng pag-delete niya sa pagbati sa anak, very evident naman ang negative reaction ng mga netizens.


Muling binatikos si Dennis ng mga netizens na mabilis na naka-pick up ng IG post niya na picture nila ni Claudia noong bata pa ang kanyang anak.


Message ni Dennis sa picture nila ni Claudia, “Happiiii bday Claui…God bless you more (praying hands, red heart & birthday cake emoji).”


Sey ng mga netizens… “GRABE! Pagkatapos n’ya sirain ‘yung wedding ni Claudia, nakuha na namang mag-post about her!!”


“You have traumatized your kids for the last time. Wala ka nang makukuhang chance ulit sa kanila.”


“Sabi n’ya, ‘di na siya magpo-post anything about his children. Anyare?!”

“Nakakalokang maging ama si Dennis. Sana okey lahat ng anak n’ya.”

“Magpo-post na naman ‘yan ‘pag 'di ni-reply-an ng anak.”

“What a CLOWN! (clown face emoji).”


May ilan din naman ang nakisimpatya kay Dennis.


“May kasabihan nga na kayang tiisin ng anak ang magulang pero ‘di kayang tiisin ng magulang ang mga anak.”


Tsika ng ibang netizens, may sakit daw kasi ang lola ni Claudia, ina ni Dennis.

“May sakit ang lola nila, eh.”


In fact, naka-post din ang picture ng ina ni Dennis sa IG niya na may nakalagay na, “Praying for healing of Mama (praying hands & red heart emoji).”


Also, hindi lang naman si Claudia Barretto ang mga anak ni Dennis Padilla na binati niya sa IG. Kahit ‘yung mga non-celebs na anak niya sa ibang babae ay binati rin niya noong nakaraan sa social media.



HINDI nagpahuli si Marjorie Barretto kay Dennis Padilla sa pagbati sa kanilang anak na si Claudia Barretto-Lorenzo.


Nag-post si Marjorie ng mga larawam sa naganap na selebrasyon ng kaarawan ni Claudia kasama ang iba pa niyang mga anak.


Caption ni Marjorie, “Happy Birthday dearest Claudia. I love watching you grow into every season of your life with so much grace and strength. Behind and beside you always. I love you!”


Dinagsa rin ng pagbati kay Claudia ang comment section ng IG post ni Marjorie from their celebrity friends.


Bati ni Mariel Rodriguez,   “Happiest birthday Claui!!!!!!”


Kapansin-pansin naman ang non-appearance ng mister ni Claudia na si Basti Lorenzo sa pictures niĺa with her family.


Maging sa naging trip sa Europe nina Marjorie, Julia at Claudia ay walang naka-post na kasama si Basti, or sa iba pang post sa IG ni Claudia.

Maaaring napaka-private lang talaga na personalidad ang mister ni Claudia at pamilya nito.


‘Di nga ba't kaya  nanahimik na rin si Erich Gonzales at ‘di na nag-showbiz dahil sa sobrang private ng mister niyang si Mateo na kapatid ni Basti?

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 27, 2025



Photo: Jennica Garcia - IG



Apat na teleserye ang tinanggihan ni Jennica Garcia pagkatapos ng Kapamilya drama series na Saving Grace (SG) na pinagbidahan ni Julia Montes.


May kinalaman sa faith and health ni Jennica ang pagtanggi niya sa mga inalok sa kanya na serye.


Pagkatapos kasing mahiwalay sa kanyang ex-hubby na si Alwyn Uytingco, si Jennica ang bumuhay sa kanilang dalawang anak na babae. Wala pa kasing masyadong project si Alwyn that time.


So, walang choice si Jennica kundi ang maghanap ng trabaho and she approached again GMA-7. Tinanggap naman siya at nabigyan ng project.


At the same time, nakapag-apply at natanggap din si Jennica bilang caregiver abroad.

Kuwento ni Jennica sa interbyu sa kanya ni Julius Babao sa YouTube (YT) channel ng newscaster, “Naayos ko na lahat ng papers ko. Nangyari pa po ‘yun nu’ng may GMA project ako.


“Ang nangyari sa GMA project, meron po kasi ako’ng anxiety and panic attack. Tapos meron po akong sakit sa puso, the best. Maliit po kasi ang puso ko.


“Ang bait po talaga ng GMA kasi hindi nila ako tinanggal sa show. Kaya lang, hinimatay ako (during the scene).”


Bata pa lang si Jennica ay nadiskubre na niya na meron siyang sakit sa puso. Bawal na bawal ang sobrang saya, tawa, lungkot at iyak. Nagpa-pass-out daw siya.


Hanggang sa nabigyan ng projects sa ABS-CBN si Jennica. Super-proud siya sa kanyang role sa Dirty Linen (DL). Pero inamin niya na nahirapan siya sa sumunod niyang show sa ABS-CBN, ang SG.


“Abusive mother ang role ko doon. Hindi ko pala kaya,” pag-amin niya.

For the first time in her life raw, tumanggi siya sa project after she did SG.

“Feeling ko, gulat na gulat ang management dahil all of a sudden, humihindi na ako sa trabaho and this is after Saving Grace.


“Nakakahiya ‘to pero sabihin ko na ‘to. Sabi ko sa kanya, ‘Tatay, ‘pag ang artista, magaling… Our normal job is we roll at 7 AM. Masaya ka ng morning, malungkot ka ng 8 AM. Malungkot ka ng 9 AM. Pinatay kang 10 (PM). Buhay ka ng 11 (PM). Do you get me? It’s not normal,” saad ni Jennica.


Pagod na pagod at gustung-gusto na raw ni Jennica umuwi after taping ng SG.

“Hindi ko ipinapakita sa kanila na pagod na pagod ako at gusto ko nang umuwi. But deep inside me, I’m heartbroken. Kasi heartbroken dapat ako doon sa scene,” lahad pa ni Jennica.


Sa ngayon, kahit wala raw siyang project ay nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil ipino-provide ang pangangailangan nilang mag-iina.


Monthly daw ay umaabot nang mahigit sa P100,000 ang budget ni Jennica Garcia for her children’s expenses.



ANG lakas-lakas ng dating ng baguhang si Hugo Sotto. Unang silip pa lang namin ng pictures niya sa Instagram (IG) ay in-stalk na namin nang tuluyan.


At sa pag-i-stalk namin, we found out na isa pala siyang showbiz royalty. Apo nina showbiz queen Helen Gamboa at Tito Sotto si Hugo, na ang real name ay Vicente Sotto IV.


And knows n’yo na rin kung sinu-sino ang relatives ni Hugo. Like the Prince of Comedy Vic Sotto and the Megastar Sharon Cuneta.


Si Hugo ay 20-year-old at 6-footer na panganay na anak ni Quezon City Vice-Mayor Gian Carlo Sotto at ng misis nito na si Joy Woolbright Sotto.

Nag-aaral si Hugo sa Ateneo de Manila University (ADMU) at isang varsity player.


Proud ang dad niyang si Gian when he posted sa comment section sa IG post ni Tito Sotto. 

Comment niya, “Anak ko ‘yan!”


Post naman ng ina ni Hugo, “My baby is all grown up (heart emoji).”

Looking forward na kami sa tatakbuhin ng career ni Hugo. And with Ms. Shirley Kuan around as his manager, how can he go wrong, ‘di ba?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page