top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | March 12, 2026



Angelica Panganiban

Photo: IG @Angelica



Sumuko ang gamit ni Angelica Panganiban na deodorant sa mga eksenang ginawa niya sa bago niyang serye na The Silent Noise (TSN). ‘Yan ang ibinulgar ng aktres sa mediacon at exclusive screening noong Martes.


“Ah, totoo naman. ‘Yung deodorant ko, ‘di nag-work dito sa series na ‘to,” sabay tawa ni Angelica.


Pagpapatuloy niya, “‘Yung kili-kili ko, talagang laging basang-basa ng pawis sa hirap ng mga eksena, sa mga sign language na kailangan naming i-memorize.”


Kaya babala ni Angelica sa mga nasa mediacon na maging careful on what they wish for.

“Kaya nu’ng ipinresent sa akin, eto na. Ito na ‘yung hinihintay ko. Ito na ‘yung iwini-wish ko at ipinagpe-pray ko na ibigay sa akin, so ‘di ko ‘to tatanggihan,” excited na tsika ni Angelica.

Kasama ulit ni Angelica sa bagong proyektong TSN si Zanjoe Marudo, produced by ABS-CBN Studios and soon streaming on Prime Video.


Gandang-ganda raw agad si Angelica nang i-present sa kanya ang story.

Kuwento niya, “May mga nag-present na sa akin noon na parang ‘di na nila hinintay ‘yung yes or no. ‘Di na lang ako sumagot, parang naintindihan na nina Tita Cory (Vidanes) na ‘Ayaw n’ya kapag hindi siya sumagot.’


“But with this, ang hiningi ko lang is timeline. Parang ‘yun lang ‘yung sa akin. And then, parang kilalang-kilala nila ako na gusto talaga ni Angge na natsa-challenge s’ya.”


Ang iba pang cast members ng The Silent Noise ay sina Mylene Dizon, Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia, KD Omalin, Joem Bascon, Karina Bautista, Tommy Alejandrino, Ramon Christopher Gutierrez, Joel Saracho, Junjun Quintana, Kakki Teodoro at Ralph Malibunas.

Si Onat Diaz naman ang direktor.



OVERWHELMED si Robb Guinto sa mga sinabing papuri ni Direk Louie Ignacio sa kanya during the intimate mediacon ng 8th Sinag Maynila Independent Film Festival (SMIFF) last Tuesday.


Pinuri ni Direk Louie si Robb dahil sa husay na ipinakita niya sa pelikula nilang Desperada, produced by LDG Productions ng talent manager na si Lito de Guzman.


Nakita raw kasi ni Direk Louie ang potensiyal na puwede siyang ihanay sa level nina Lorna Tolentino at Jaclyn Jose sa mga susunod na panahon.


Tulad daw kasi ni Robb sina Lorna at Jackie na nagsimula sa sexy roles sa pelikula, but later on ay naging mahusay na mga aktres.


Posible raw na ganyan din ang kahihinatnan ng career ni Rob dahil sa husay niya sa pag-arte.


“‘Di ko po in-expect na ganu’n ang pagkakasabi. Kasi ano naman po, on my part, ibinigay ko ang best effort ko,” pahayag ni Robb.


Pagdating daw sa mahihirap na mga eksena ay laging nariyan si Direk Louie para i-guide siya.


Ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabing malaki ang chance ni Robb na manalong Best Actress sa 8th SMIFF this March.

“Naku, para sa akin po, bonus na lang ‘yun. Basta ang akin po, ang importante, nakapasok kami sa Sinag Maynila,” diin ni Robb.


Sobrang memorable raw para sa kanya ang Desperada. Ang dami raw nangyari sa personal at career niya nang gawin niya ang pelikula.


Una, nakapasok ang movie niya sa 8th SMIFF. Pangalawa, nakatrabaho niya si Direk Louie at ipinagkatiwala sa kanya ang napaka-challenging na role.


At pangatlo, sa Desperada sila nagkakilala at naging magkarelasyon ng leading man niya na si Yasser Marta.


Aminado naman si Direk Louie na siya ang dahilan kaya na-develop sina Rob at Yasser sa isa’t isa.


“Yes,” diretsong pag-amin ni Direk Louie. 


Aniya, “Parang ganu’n nga. Hahaha! Kasi bukod sa piniga ko sila sa pag-arte, ang mga intimate scenes na ginawa nila sa movie ang nagpatibok sa kanilang mga puso.”

Ang Desperada ay isa sa anim na official entries sa Sinag Maynila 2026 na pinamamahalaan ng founder nito at producer ng Solar Pictures na si Wilson Tieng, habang ang Sinag Maynila executive director ay ang Cannes Best Director na si Brillante Mendoza.


Ang iba pang entries ay ang All About Her (AAH) directed by Joel Lamangan, Lanaya directed by Clyde Capistrano, Pinikas ni Cris Fuego, Sweet Escape (SE) directed by Rommel C. Ricafort, at Ang Bangkay (AB) ni Direk Vince Tañada.


Magsisimulang mapanood ang anim na official entries sa Sinag Maynila mula March 23 hanggang 29 sa Gateway Cineplex, Eastwood Cinemas, Uptown Cinema Venice Grand Canal at Lucky Chinatown Cinemas.

So, there.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | March 10, 2026



WINNER - BEA AT VINCENT, IKAKASAL NA!/IG @bealonzo

Photo: IG @bealonzo



Kasado na ang kasalang Bea Alonzo at Vincent Co. 

Ipinost ng St. Peter the Apostle Parish ang wedding banns nina Bea at Vincent with their

complete names last Sunday (March 8).


Ang marriage banns ay pormal na pagpapaalam sa publiko ng intensiyon ng isang couple na magpakasal.


Sa Catholic Church ay naka-post ang marriage banns sa simbahang nakakasakop sa tinitirhan ng mga ikakasal for three consecutive Sundays.


Ginagawa ang announcement upang masiguro na walang legal na hadlang sa gaganaping kasal.


And what happens next after three consecutive Sundays na posting sa church? Baka ang kasunod ay ang aktuwal na kasalan na.


Ibig kayang sabihin nito ay bandang April magaganap ang kasalang Bea at Vincent? 

Kaya pala nananahimik ang aktres for a long time ay busy na siya sa preparations for her wedding.


After the wedding, honeymoon galore naman ang pagkakaabalahan ni Bea.

And then, saka pa lang siguro mahaharap ni Bea ang pagsu-shoot sa bago niyang teleserye na Whispers From Heaven (WFH).


Marami pang panahon para mag-shoot para sa bago niyang serye dahil next year pa naman ito eere.


Pero teka, ano kaya ang say ng Chinese family ni Vincent at sa Catholic Church sila ikakasal ni Bea? 


Kunsabagay, ang mga babae naman talaga ang nasusunod kung saan nila gustong ikasal.


O baka naman may ikalawa pang wedding sina Bea at Vincent? And this time, Chinese-

style wedding na para naman sa pamilya ni Vincent.


Keri naman nilang magpakasal kahit ilang beses. Ang mahalaga, tuloy na tuloy na ang pagpapakasal ni Bea. Huwag na nga sanang maudlot gaya ng nangyari sa huli niyang fiancé.

Congrats, Bea Alonzo and Vincent Co!



PAGKATAPOS ng bonggang treat ni John Lloyd Cruz para sa kanyang anak na si Elias, kasama ang kanyang mommy na si Ellen Adarna at sisterette na si Lili sa Palawan, gumora naman ang bagets sa Sapporo, Japan.


Ipinasyal ni Ellen si Elias sa Sapporo sa kanilang first day. This time, nag-solo muna ang mag-ina sa kanilang Japan trip. Hindi muna nila isinama si Lili.


Ipinost din ni Ellen sa kanyang story sa Instagram (IG) ang series of photos nila ni Elias mula sa Mabuhay Lounge ng Philippine Airlines hanggang sa mga ganap nila on their first day sa Japan.


Sa comment section ay marami ang nakapansin sa pagkakahawig ni Elias sa kanyang ama na si John Lloyd.


Sey ng isang netizen, “I’m seeing John Lloyd in the 9th slide.”

May pumuri kay Ellen for being a good mom.


“Ellen has blossomed into a fantastic mom.”

“The ultimate love that’s eternal #mumslove.”

True!

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | March 9, 2026



Atty. Ferdinand Topacio - Interview via Bulgar

Photo: Atty. Ferdinand Topacio - Interview via Bulgar



Niresbakan ni Atty. Ferdinand Topacio si Jasmine Curtis-Smith sa pagtawag daw sa kanya ng ‘dugyot’.


Sa kanyang mensahe sa social media, ibinalik niya kay Jasmine ang pagtawag diumano sa kanya ng dugyot. Gayundin, kinuwestiyon niya ang pag-post sa social media ni Jasmine ng mga sexy photos nito.


Mensahe ni Atty. Topacio, “Dear Jasmine Curtis, ang alam kong dugyot, ‘yung nananampal sa bar ‘pag nalalasing. At ‘yung nagta-try mang-agaw ng dyowa ng may dyowa. Cheers!”

Bukod d’yan, may official statement din ang kampo ni Atty. Topacio bilang reaksiyon sa sinabi sa kanya.


Narito ang ‘public statement on defamatory attacks’ ng kampo ni Atty. Topacio:

“Calling Ferdinand Topacio ‘dugyot’ on social media is not criticism. It is plain and simple defamation. Under Article 353 of the Revised Penal Code of the Philippines, libel is the public and malicious imputation of a vice or defect that tends to dishonor or discredit a person. The term ‘dugyot’ is a direct attack on a person’s dignity and reputation. It contributes nothing to public debate and serves only to insult and malign.


“When such defamatory statements are made online, they may constitute cyber libel under the Cybercrime Prevention Act of 2012 (Republic Act No. 10175), which carries heavier penalties than traditional libel.


“Let this be clear: freedom of speech is not a license to defame. The Constitution protects legitimate criticism, but it does not shield malicious character attacks designed to humiliate and destroy a person’s reputation.


“Atty. Ferdie Topacio is a member of the Philippine Bar and an officer of the court. Disagreements with his legal opinions or advocacy may be expressed — that is part of democracy. But reducing discourse to gutter-level insults only exposes the intellectual bankruptcy of those resorting to them.


“Those who recklessly post defamatory remarks online should remember: The internet is not a lawless space. Screenshots are evidence. Posts are traceable. And the law provides remedies. If one cannot argue with facts and reason, resorting to insults only proves the weakness of one’s position.


“Debate the issues. Respect the law. And stop the defamatory attacks.”

Kinantiyawan tuloy si Jasmine ng mga netizens dahil sa sinabi raw nito na ‘dugyot’.

Sey ng mga netizens:


“Never argue with an intelligent lawyer. Hahaha!”

“Bardagulan gusto mo? Atty. Topacio will give it to you.”

“Bardagulan kasi gusto, sinabihang dugyot, ‘di nasaktan si Atty.. ‘Di naman kasi totoo, pero ‘yung nananampal sa bar at mang-aagaw ng dyowa, legit na kadugyutan.”

“Na-real talk tuloy.”


May mga sumang-ayon din sa mga opinyon ni Atty. Topacio.

“‘Di mali si Atty. Maraming babae ay gusto ng attention at maging eye candy. Kung gusto ng babae ng picture for herself, then keep it to herself. At respect your partner.”


“I go with Atty here. You demand respect and decency, then don’t do anything contrary!”

“Bakit mag-post ng naka-bikini on and off the social media platforms? ‘Di ba para makapanghikayat ka ng maraming viewers mo, particularly lalaki? Stop the hypocrisy.”

Sa kabila ng bangayan ng mga celebrities, may ibang hirit ang ibang mga Pinoy:


“Maleta dapat pag-usapan, Lolo (Atty. Topacio).”

“Let’s not forget the maleta’s and flood control.”

“Wala na, nailihis na naman ang mga maleta.”

Tumpak!



NAKA-WHEELCHAIR si Gary Valenciano during the rehearsal ng ASAP kahapon.

Naka-post sa Instagram (IG) mismo ni Gary ang mga videos niya habang naghihintay sa kanyang rehearsal sa studio. Makikita rin sa video nang lapitan at yakapin siya nina Rosanna Roces at Coco Martin habang nakaupo sa wheelchair, separately.


Caption ni Gary, “Haaaaaaaay... Another chapter comes to a close. So honored to have been part of this three year journey with my good friend @cocomartin_ph. What a blessing this has been for me.”


Sa comment section ay inurirat si Gary ng mga netizens kung bakit siya nakaupo sa wheelchair.


“Sir Gary, bakit po kayo naka-wheelchair? Ano pong nangyari sa inyo?”

Sinagot ng isa pang follower ni Gary ang tanong, “Tendinitis po. Praying for Sir @garyvalenciano's speedy recovery and total healing.”


“Grabe po, naiyak kami sa ASAP tribute para sa pagtatapos ng FPJ’s Batang Quiapo, especially nu’ng kumanta na si Sir @garyvalenciano. 


“Salute to Sir Gary, even on a wheelchair, talagang ramdam namin ang song. We had goosebumps seeing the entire cast headed by Coco Martin, directors while Sir Gary was singing. Congratulations, Batang Quiapo.

“When you sing, it’s always heartwarming.”

True…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page