top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | August 10, 2025



Photo: Charo Santos-Concio at Hyun Bin - IG


Natuwa ang mga netizens kay Charo Santos-Concio sa kanyang fangirl moment kasama ang Crash Landing On You (CLOY) star na si Hyun Bin sa fan meet ng aktor sa Pilipinas.


Bago ang event, nag-post si Charo ng TikTok (TT) video na dedicated sa South Korean actor na may caption na: “I don’t often fangirl, but I couldn’t resist. Hyun Bin, my No. 1 Oppa, No. 1 Oppa ko!”


Talaga namang hindi rin maikakaila ang alindog ni Charo kaya hindi imposible na dahil dito ay maaaring maging malapit siya kay Hyun Bin.


Si Charo ang kinatawan ng CreaZion Studios Artists at Star Magic.


Para sa mga updates, sundan ang CreaZion Studios sa Facebook (FB), X (dating Twitter), Instagram (IG), at TikTok o bisitahin ang creazionstudios website.


AFTER ng box office movie ni Direk Julius Ruslin Alfonso na Deadma Walking (DW) last 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF), naging careful siya sa susunod niyang project.


Sakto at kinomisyon si Direk Julius ni Rex Tiri ng T-Rex Entertainment ang kauna-unahang proyektong gagawin nila para sa iconic comedian na si Roderick Paulate. Heto na nga ang Mudrasta: Ang Beking Ina (MABI) under CreaZion Studios.


Tsika ni Direk Julius sa amin, “Kuya Dick is the main reason why I readily said YES to the project. He’s forever my idol since his ‘High School Circa 65’ days. This is truly a dream come true.”


Sa kabilang banda, fan din pala si Kuya Dick ng DW. Isa ang OG comedian sa mga jurors noong MMFF 2017.


Nu’ng malaman ito ni Direk Julius, nagkaroon daw siya ng goosebumps moment at maging ang buong team ng Mudrasta. At nu’ng nagkatrabaho na sila, very cooperative raw si Kuya Dick.


Pahayag ni Direk Julius, “He’s very collaborative. In fact before we got into the final or official working script of Mudrasta, our writer Joni Mones Fontanos and I had numerous meetings with Kuya Dick on Zoom and face-to-face.


“Countless and fruitful creative meetings ang bonding moments namin sa kanya. Sequence per sequence, we discussed thoroughly.


“Umarte pa kaming tatlo ng ilang eksena para makabuo ng pinakamagandang dialogue at potensiyal na iconic na linya. Napakasaya at hindi malilimutang karanasan.

“During the first day of the shoot, I was initially consumed by nervousness (directing a legendary icon). But as we went along, ang saya namin at lahat (ay) excited.”


Naging inspirasyon daw ni Direk Julius si Kuya Dick na lalo pang paghusayan ang kanyang trabaho.


Aniya, “Oftentimes, we both came up with additional punch lines that made the scenes even funnier. And talking about work ethics, he’s very serious with his craft. Kaya every shoot, every department is inspired to give their best.”


Ayon pa kay Direk Julius, ang Mudrasta ay nagpapatibay sa pinaka-diwa ng Agape Love.

“True love is unconditional. We meet people along the way who touch our lives like never before. Keep them, fight for them. Otherwise you’ll regret having them as your ‘TOTGA (the one that got away).’ It's never cliché to say that love is universal.


“Kani-kanyang paraan para maipadama ng isang tao ang pagmamahal. Mamahalin ka sa paraang alam n’ya, hold on to that. You’ll know if that person is worth keeping.


Mararamdaman ng puso mo ‘yun, hindi ng isip. Kung sa utak lang, delulu (delusional). Kung sa puso, totoo. IYKYK (If you know, you know),” paliwanag ni Direk Julius.


Mula nang mabuo ang proyektong ito, nagkaroon na raw sila ng malaking pag-asa.

“Now that it will be finally shown, we still are in high spirits. We believe that our local moviegoers are still very much alive.


“Ibalik natin sila sa mga sinehan. At sa magandang balita tungkol sa ating mga pelikulang ipinalabas recently doing great in the box office recently (non-festival playdates), talagang makikinabang dito ang Mudrasta.


“So yes, we are not just hopeful but excited. Masaya maging masaya! Let’s bring fun and entertainment back to the cinemas. Please watch Mudrasta, the ultimate comeback of our beloved versatile icon, Roderick Paulate,” sabi pa ni Direk Julius.


Showing ang Mudrasta, Ang Beking Ina sa mga sinehan sa August 20, Wednesday.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 9, 2025



Photo: Yen Santos - IG


Habang panay ang post ni Paolo Contis sa social media ng bonding niya with his children kay Lian Paz, todo-post si Yen Santos sa Instagram (IG) ng mapang-akit niyang mukha.


Ipinost ni Yen ang pictures niya habang nang-iinggit sa pagkain ng donut.

Tila pinaglalaway niya ang kanyang mga followers sa kung paano siya kumain.

May pose siya kung pa’no kumagat ng donut, tumakam na tila matagal nang ‘di nakakain ng donut at meron din namang pa-demure.


Pero ang agaw-pansin ay ang pagsupsup niya sa matamis na katas ng donut.

‘Kalokah si Yen, ha? Ginawang kuhol ang donut sa pagsupsup.


Caption ni Yen: “Just me and my sweet sidekick (girl with hand on head & donut emoji).”

Iba naman ang interpretasyon ng ilan sa mga followers ni Yen na parang patama kay Paolo.


Sey ng mga netizens:


“Donut (Do not) hide from me! Magpakita ka sa ‘kin.”

“Donut, eme-eme.”

“Dami na naman gusto maging donut.”


Patama nga kaya kay Paolo Contis ‘yan sa mga posts niya about making up sa kanyang mga anak?


Well….


Zsa Zsa, nagpaabot ng pakikiramay sa tita…

UTOL NI DABOY, PATAY SA SUNOG


IBINALITA ni Rap Fernandez sa kanyang Instagram (IG) kahapon ang pagkamatay ng kanyang tiyahin na si Beth Fernandez.


Si Beth ay kapatid ng yumaong action star at ama ni Rap na si Rudy Fernandez. Isang old photo ng kanyang tiyahin ang ipinost ni Rap.


Caption ni Rap: “Yesterday my father’s sister Beth Fernandez died tragically in a house fire. Rest in peace, Tita Beth.”


Marami ang nakiramay kay Rap sa pagkamatay ng kanyang auntie including the Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.


Comment-post ni Zsa Zsa, “RIP, Tita Beth (crying face emoji).”


For sure, nalungkot din sa balita ang iba pang members ng Padilla clan kasama na si Sen. Robin Padilla.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 8, 2025



Photo: Roderick Paulate via Bulgar


Ipapalabas na ang comeback movie ng nag-iisang Roderick Paulate sa direksiyon ni Julius Ruslin Alfonso, ang Mudrasta: Ang Beking Ina (MAKI) mula sa CreaZion Studios.


Matagal na rin naming inaabangan nu’ng maikuwento sa amin ni Direk Julius na ang husay-husay at wala pa ring kupas si Roderick, or Kuya Dick na tawag sa kanya ng mga taga-showbiz, sa mga nakakatawa niyang eksena sa movie.


Kaya ang question sa naganap na media conference ng Mudrasta ay kung bakit natagalan bago maipalabas ang pelikula ni Kuya Dick na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan on August 20, Wednesday.


Ayon kay Kuya Dick, “Unang-una, I think, inabutan kami ng pandemic. So, s’yempre, hindi agad ipinalabas. Tapos, sabihin na natin na after nu’ng pandemic, s’yempre nabalitaan naman natin na hindi masyadong… medyo ayaw ng taong bumalik ng sinehan. “They really had a difficult time to think kung kailan talaga dapat ipalabas. So, marami silang inisip na playdates. So, in other words, to cut the story short, they really had a difficult time to think kung kailan dapat ipalabas.


“So I guess, after a while, doon nila naisip na, another reason… ‘Direk, dapat ikaw na sa part na ‘to, teknikal.’ So they have to cut it to… ‘Direk, gaano kahaba ang pelikula?’” tanong niya kay Direk Julius na katabi niya sa stage during the mediacon.


Pahayag ni Direk Julius, “Hmmm… ‘yung first cut kasi namin was more than two hours. And then, nag-viewing kami nina Kuya Dick, parang nahirapan kami to cut or edit out. Gusto namin, ‘yun ‘yung ano, and then, kailangan talaga namin s’yang i-cut into an hour and 40 (minutes).


“So, natagalan ‘yung editing namin and then, we decided na sige. Parang hindi pa s’ya panahon para ipalabas dahil nga sa attendance sa mga cinema.


“Very inconsistent after pandemic because people, nasanay na sa streaming.”

Until nag-regroup ang creative team ng Mudrasta last year.


“Kasi sabi namin, baka, ako naman for one, naniniwala ako it’s God’s perfect time. Laging ganu’n naman ‘yun, eh. So, hindi naman ako nawalan ng interest at all. Lahat kami, we remained in contact,” lahad ni Direk Julius.


Dugtong pa niya, “So, nag-regroup and then we opted, we decided on what to do and how to cut it. And then, ‘yun.


“May mga playdates supposedly, May for Mother’s Day. June for June bride. And then, we finally decided on an August playdate.”


Regroup means creatively nag-cut daw ang editor ng film.

Pagpapatuloy ni Direk Julius, “And then, T-Rex (Entertainment) kasi ito before. And then, nag-collaborate na sila with CreaZion.


“Iba ‘yung perception na gusto naming mangyari. Sa kanila, iba rin. Pero nagkasundo kami on what to do. So, it took some time for that.


“Naging happy kami sa nagiging… hindi naman compromise, nagiging resulta nu’ng final ano namin, edit.”


Ginawa nila ang Mudrasta taong 2021. After 3 years, ang daming nangyari sa industriya.


Kasama rin sa pelikula sina Tonton Gutierrez, Carmi Martin, Elmo Magalona, Ruby Ruiz, Sunshine Teodoro, Awra Briguela, Joel Saracho, Odette Khan and Ms. Celia Rodriguez. Introducing si Arkin Magalona.


Samantala, nilinaw ni Kuya Dick na nagsimula siyang gumanap bilang gay sa big screen sa pelikulang Charot. Hanggang sa nakita ng Seiko Films at Regal Films ang husay niya sa pagganap bilang gay sa pelikula.


Esplika ni Kuya Dick, “Gusto ko lang ikorek kasi parang ang notion ng publiko about sa gay roles ko sa comedy films all started sa Regal Films.


“Eh, gusto ko rin namang bigyan ng credit ang Seiko Films. Nagsimula kasi ang box-office ko, humility aside, sa Ako si Kiko, Ako si Kikay. Then followed by Leroy, Leroy, Sinta.


“Then, wala tayong magagawa… mabilis si Mother (Lily Monteverde, Regal Films), kinuha n’ya ako. Pinapirma n’ya ako ng kontrata, ‘yun na. Nangyari naman ang mga phenomenal films (ko) sa Regal Films.”

Trulili…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page