top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 27, 2023



ree

Ibinasura ang kasong estafa sa mga nagpapanggap umanong staff ni Senador Sherwin "Win" Gatchalian dahil sa kakulangan ng ebidensya.


Nagpasya ang Pasay City Regional Trial Court Branch 115 na walang sapat na batayan ang kasong isinampa kina Dina Joson Castro, Ma. Luisa Barlan at sa isa pang akusado.


Matatandaang inaresto nu'ng Nobyembre ang ilang katao dahil sa reklamong naniningil umano ang mga ito para sa kontrata ng pagiging supplier sa reclamation projects sa Pasay City.


Nagbigay naman ng pahayag ang kapatid nina Joson at Barlan na si Emille Joson, isang award-winning international acclaimed filmmaker, "I'm very happy with the court's decision of course and I think we should respect it. The truth will always prevail. To Senator Gatchalian I know he means well but next time do a proper investigation. People voted him for a reason, so do something more humane and always get their fact straight."


Ayon naman sa abogado nina Joson at Barlan na si Atty. Vladimir Bugaring, "This order just shows that my client Dina Joson, Ma. Luisa Barlan and Helen Remolador has no participation on the alleged scam. The order even after requiring the prosecution through the NBI and the complainants found lack of probable cause to hold my clients for trial. That is why it ordered its dismissal in so far as Joson, Barlan and Remolador is concerned. Justice is in the air."


Iniutos naman ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpapalaya sa tatlo at ituloy ang kaso laban kay Ryan Lester Dino at isa pang suspek.


Nanindigan naman ang mga suspek na sila'y inosente at hindi sila konektado sa sinasabing estafa.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 22, 2023



ree


Matapos ang ilang araw na pananahimik ni Senador Sherwin Gatchalian sa isyu kung saan nakaladkad ang kanyang jowang si Bianca Manalo ay nagsalita na rin ito.


Sey ng Senador, “No comment.”


Nagbigay ang senador ng pahayag sa isang virtual interview kasama ang mga reporter ng Senado matapos na makaladkad ang kanyang pangalan nang kumalat online ang mga screenshot ng umano'y naging usapan nina Manalo at Gomez na parang may relasyon ang dating ng dalawa.

Matatandaang nagsalita na si Bianca ngayong Biyernes at binigyang-linaw na magkaibigan lang sila ng "Magandang Dilag" co-star na si Rob.


Sinabi rin ng aktres na kulang-kulang daw ang laman ng ipinakitang screenshot upang palabasing may motibo ang kanilang palitan ng mensahe.


Ibinahagi naman ni Gatchalian sa kanyang personal na account sa 'X' ang isang post tungkol sa nasabing pahayag ng kanyang jowa na pinabulaanan ang mga kumakalat na tsismis.


Hanggang ngayon ay wala pa namang pahayag ang starlet na si Rob tungkol sa mga tsikang may relasyon siya kay Herlene Budol at sa iba pang mga babae, bukod sa pagsasalita nitong hindi niya hawak ang kanyang phone nu'ng araw na kumalat ang screenshots.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 30, 2023



ree

Sa gitna ng pagtatapos ng public health emergency dahil sa COVID-19 at sa mga pinangangambahang sama ng panahon, naghain si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang suriin ang kahandaan ng mga paaralan para sa School Year 2023-2024.


Maliban sa pagwawakas ng public health emergency na dulot ng COVID-19 at ang banta ng El Niño, binigyang diin ni Gatchalian na nagdulot ng mas maikling school break ang pagbabago sa school calendar.


Para sa taong ito, nakatakda ang school break mula Hulyo 8, 2023 hanggang Agosto 27, 2023, katumbas ng 51 araw.



ree

Sa gitna ng break na ito, magsasagawa ng mga remedial classes sa mga pampublikong paaralan mula Hulyo 17 hanggang Agosto 26, 2023.


Layunin ng inihaing Senate Resolution No. 689 ang agarang pagsusuri sa mga hamon at sa magiging epektibo ng parehong face-to-face classes at alternative delivery modes.


Bibigyan din ng konsiderasyon ang mga panawagang ibalik ang summer break mula Abril hanggang Mayo.


Sa ilalim ng Department Order (DO) No. 034 s. 2022, nakatakdang magsimula ang school year (SY) 2023-2024 sa Agosto 28, 2023 at magtatapos sa Hunyo 28, 2024.


“Sa gitna na patuloy na pagbangon mula sa pandemya at pagbabalik sa normal ng sektor ng edukasyon, napapanahong suriin natin ang kahandaan ng ating mga paaralan para sa patuloy na paghahatid ng edukasyon. Dahil nagpapatuloy pa rin ang mga hamon at pinsalang dulot ng pandemya, mahalagang matukoy natin kung paano natin tutugunan ang mga ito,” ani Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Basic Education.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page