top of page
Search

ni Lolet Abania | September 6, 2021


ree

Itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang pitong lugar sa bansa ngayong Lunes matapos maitala ang Tropical Depression Jolina na bahagyang lumakas habang kumikilos ito pakanluran sa buong Philippine Sea.


Sa kanilang 11:00 AM report, ayon sa PAGASA ang mga lugar na inilagay sa TCWS No. 1 ay ang mga sumusunod:

• Sorsogon

• Northern Samar

• Samar

• Eastern Samar

• Dinagat Islands

• Siargao Islands

• Bucas Grande Islands


Ayon sa PAGASA, si Jolina ay posibleng lumakas pa at maging tropical storm sa Miyerkules.


“The highest possible TCWS that will be raised throughout its passage will be TCWS #2,” batay sa PAGASA.


Gayundin, posibleng mag-landfall ang TD Jolina sa Northern Luzon ng Huwebes nang umaga, bago ito kumilos pakanluran habang patungo sa buong Northern Luzon.


Maaari ring kumilos uli ito patungong West Philippine Sea ng Huwebes naman nang gabi at tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ng Biyernes nang umaga.


“However, the public is advised to continue monitoring for possible changes in the track forecast in the succeeding bulletins,” ani PAGASA.


Base sa datos ng weather bureau ng alas-10:00 ng umaga ngayong Lunes, namataan ang sentro ni TD Jolina sa layong 205 km silangan timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar o 230 km silangan hilagang-silangan ng Surigao City, Surigao del Norte (10.4°N, 127.5°E) na mayroong maximum sustained winds ng 55 km/h malapit sa sentro, bugsong aabot ng hanggang 70 km/h, at central pressure ng 1004 hPa.


Ayon pa sa PAGASA, inaasahan sa Eastern Samar, Dinagat Islands, at Surigao del Norte, kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na mga pag-ulan sa susunod na 24-oras dahil kay Jolina.

 
 

ni Lolet Abania | February 23, 2021


ree


Isa ang patay habang dalawa ang nawawala sa Caraga Region matapos ang pananalasa ng Bagyong Auring.


Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes, may kabuuang 31,884 pamilya sa Caraga, Davao, Northern Mindanao at Bicol Regions ang matinding naapektuhan ng nasabing bagyo.


May 18,996 pamilya naman ang inilikas sa Caraga, Davao, Northern Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas at Western Visayas dahil sa panganib ng Bagyong Auring.


Sa Caraga at Davao Regions, tinatayang nasa 60 kabahayan ang nawasak habang 180 ang bahagyang nasira.


Ayon pa sa NDRRMC, may 11 kalsada at dalawang tulay ang napinsala ng bagyo sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas at Davao Regions.


Patuloy ang isinasagawang validation ng NDRRMC sa mga napaulat na data.


Gayunman, ayon sa PAGASA, inalis na ang tropical cyclone wind signal sa mga lugar habang ang tropical depression Auring ay tuluyan nang humina.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 21, 2021



ree


Inaasahang magla-landfall ang Bagyong Auring sa Dinagat Islands, Eastern Samar, Leyte mamayang gabi, Pebrero 21 o bukas nang madaling-araw, Pebrero 22.


Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong 320 kilometro sa silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao Del Sur na mayroong taglay na lakas ng hanging aabot sa 65 km per hour.


Nakataas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

  • Katimugang bahagi ng Eastern Samar

  • Dinagat Islands

  • Hilagang bahagi ng Surigao Del Norte (kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands)


Signal No. 1 naman sa mga sumusunod pang lugar:

  • Sorsogon

  • Mainland Masbate

  • Ticao Island

  • Northern Samar

  • Nalalabing bahagi ng Eastern Samar

  • Samar

  • Biliran

  • Leyte

  • Southern Leyte

  • Cebu

  • Bohol

  • Siquijor

  • Negros Oriental

  • Hilaga at gitnang bahagi ng Negros Occidental

  • Silangang bahagi ng Iloilo

  • Silangang bahagi ng Capiz

  • Nalalabing bahagi ng Surigao Del Norte

  • Surigao Del Sur

  • Agusan Del Norte

  • Agusan Del Sur

  • Davao Oriental

  • Davao De Oro

  • Davao Del Norte

  • Davao City

  • Camiguin

  • Misamis Oriental

  • Bukidnon


Samantala, isang bahay sa Tandag City, Surigao del Sur ang tinangay ng baha kaninang umaga kung saan hanggang dibdib na ang taas.


"Although hindi pa nag-landfall si Auring, grabe talaga ang pagtaas ng water level dito ngayon," paliwanag pa ni Chief of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Abel de Guzman.


Noong Biyernes ay ipinag-utos na ang preemptive evacuation at kahapon ipinatupad ang forced evacuation sa mga coastal area. Mahigit 5,052 pamilya o 18,590 indibidwal ang mga inilikas sa evacuation centers.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page