top of page
Search
  • BULGAR
  • Jun 3, 2023

ni Mai Ancheta | June 3, 2023




Idineklara na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang opisyal na pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.


Nangangahulugan ito na nagtapos na ang summer season o panahon ng tag-init at magkakaroon na ng pagbabago sa panahon sa mga susunod na araw.


Dahil magsisimula na ang rainy season, aasahan ang mga pag-ulan sa hapon o gabi sa maraming lugar sa bansa.


Dahil may nakaambang El Niño, sinabi ng PAGASA na aasahan ang mas malakas na

Habagat na inaasahang maghahatid ng mas malakas na mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.


Ayon kay PAGASA OIC Esperanza Cayanan, ang manaka-nakang pag-ulan at ang pagdaan ng Bagyong Betty pati na ang Habagat na nagdulot ng malawakang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ay indikasyong nagsimula na ang tag-ulan sa bansa lalo na sa Climate Type I.


 
 

ni Jeff Tumbado | May 25, 2023




Nakalatag na ang ikakasang malawakang preemptive evacuations sa mga baybayin ng Batanes at ilang lugar pa sa Cagayan habang nalalapit sa bansa ang Bagyong Mawar.


Ito ang siniguro ng Office of the Civil Defense (OCD) base na rin sa iniulat sa kanila ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon.


“Based sa forecast, kasi itong tinutumbok n'yan Batanes and parts of Cagayan so possibility pa lang na magkaroon ng preemptive,” pahayag ni OCD spokesperson Assistant Secretary Bernardo Alejandro IV.


Ang posibleng panahon para sa paglilikas sa mga maaapektuhang residente ay nararapat isagawa bago sumapit ang weekend.


Gayunman, sinabi ni Alejandro na ang local disaster risk reduction and management councils sa nakakasakop na lugar ang dapat manguna sa paglilikas sa mas ligtas na lugar.


Nakahanda na rin o nasa “prepositioned” na sa Batanes at Cagayan ang karagdagang supply mula sa Central Luzon.


Samantala, sinabi ng PAGASA na humina ang pagkilos ni Mawar habang nasa labas ito ng Philippine area of responsibility (PAR) kahapon araw ng Miyerkules pero asahan pa rin itong lumakas habang papasok ng bansa.


“‘'Yung binabantayan natin na si dating super typhoon Mawar na nasa labas pa rin ng Philippine area of responsibility... humina ang intensity nito at naging isang typhoon category na lamang,” ayon kay Rhea Torres, weather monitoring chief ng Pagasa.


“Ngunit nag-a-undergo ito o dumadaan sa tinatawag nating eyewall replacement cycle, ibig sabihin bahagyang hihina po ito or posible o mataas ang tsansa na lalakas o babalik ito into a super typhoon category within 24 hours,” dagdag pa nito.


 
 

ni Mai Ancheta | May 24, 2023




Isa ng super typhoon ang namumuong sama ng panahon na binabantayan ng PAGASA.


Batay sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA nitong Martes ng hapon, namataan ang

Bagyong Mawar sa silangang bahagi ng Visayas na may kalakasang dalang hangin na hanggang 185 kilometer per hour.


Bagama't wala pang nakikitang direktang epekto ang bagyo sa panahon ng bansa, sinabi ng PAGASA na inasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng Biyernes o Sabado.


Inaasahang magdudulot ng mga pag-ulan ang bagyo sa kanlurang bahagi ng Visayas at Mindanao subalit hindi ito tatama sa kalupaan.


Makakaranas naman ng maulap at manaka-nakang pag-ulan at pagkulog sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page