top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | August 6, 2023




Mawawalan ng supply ng tubig ang ilang lugar sa Quezon City, Manila, Caloocan, Navotas at Valenzuela sa Lunes at sa mga susunod pang araw.


Ito ang inilabas na abiso ng Maynilad nitong Sabado kaugnay sa ipatutupad na water service interruption bunsod ng gagawing network maintenance work upang mas mapahusay ang serbisyo sa kanilang consumers.


Sa Quezon City, mahigit 15 mga barangay ang maaapektuhan ng water interruption na magsisimula ng alas-5 ng hapon ng August 7 hanggang alas-5 ng madaling-araw ng August 8.


Kabilang sa mga mawawalan ng tubig ay ang mga lugar ng Payatas sa August 7, habang sa mga susunod na araw ay maaapektuhan ng water interruption ang mga barangay ng Sta. Lucia, Kaligayahan, Don Manuel, Dona Aurora, Sto. Domingo, Tatalon at Mariblo.


Makararanas din ng water interruption hanggang August 14 ang mga barangay ng Bahay Toro, Tandang Sora, Sta. Teresita, San Isidro Labrador, Nova Proper, Nagkaisang Nayon, Sto. Nino, San Isidro Galas, San Bartolome at Bgy. Bagbag.


Pinapayuhan ng Maynilad ang mga maaapektuhang residente na ngayon pa lamang ay mag-imbak na ng tubig upang hindi mahirapan habang ginagawa ang network maintenance sa water facilities ng kumpanya.



 
 

ni Mai Ancheta @News | August 5, 2023




Halos tatlong buwang water interruption ang mararanasan sa ilang lugar sa Las Piñas, Bacoor at Imus Cavite.


Ipatutupad ang 13 oras na water interruption ng Maynilad araw-araw sa loob ng halos tatlong buwan.


Ito ang inilabas na abiso ng Maynilad na magsisimula sa August 8 hanggang November 2, 2023 tuwing alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng umaga.


Papalitan umano ang 11 mula sa 14 na ultrafiltration membranes ng Putatan Water Treatment Plant 2 upang mapanatili ang optimum filtration capacity ng planta.


Sinabi ng Maynilad na paghahanda ito sa pagdating ng panahon ng amihan kung saan mataas ang malabong tubig mula sa Laguna Lake.


Kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ng water interruption ay ang mga sumusunod:

Las Piñas City:


Talon Singko, Almanza Uno, Pilar, at Talon Dos


Bacoor City:

Molino II, Molino III, Molino IV, Molino VI, Molino VII, Queens Row Central, Queens Row East, Queens Row West at San Nicolas III.


Imus City:

Pasong Buaya I

Pasong Buaya II


Pinapayuhan ang mga customer na mag-imbak ng tubig upang hindi gaanong mahirapan sa ipatutupad na water interruption.



 
 

ni Madel Moratillo @News | July 10, 2023




Mula sa 180.45 metro nitong Biyernes, bumaba pa sa 179.99 metro ang antas ng tubig sa Angat dam.


Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, ang antas na ito ay “below minimum” na ng operating level ng dam.


Dahil inaasahang lalo pang bababa ang tubig sa Angat Dam dahil sa El Niño, nagsabi na ang National Water Resources Board na babawasan nila ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila at ng National Irrigation Administration hanggang katapusan ng buwan.


Dahil dito, nagbabala si Valenzuela City 2nd Dist. Rep. Eric Martinez ng isang “waterless Metro Manila”.


Panawagan ni Martinez, vice chairman ng House Committee on Appropriation, sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at iba pang stakeholders, bigyang prayoridad ang paghahanda at maglatag ng pangmatagalang solusyon.


Karaniwan na kasi itong problema tuwing panahon ng El Niño.


90 porsyento aniya ng water supply ng Metro Manila ay galing sa Angat dam kaya dapat magsilbing wake-up call na ito.


Giit ni Martinez, long-term solution ang kailangan at hindi bandaid solution lalo at paulit-ulit na itong problema tuwing ganitong panahon.


Babala ng kongresista, ang kakulangan sa tubig ay may malaking epekto rin sa ekonomiya.


Panawagan nito, sama-samang aksyon ng lahat at magtipid sa tubig.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page