top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 12, 2021


ree

Pinilahan ang voter registration sa mga mall sa Metro Manila nitong Sabado.


Ito ay matapos buksan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa mga lugar na naka-modified enhanced community quarantine, kagaya ng Metro Manila. Nitong Sabado rin sinimulan ang pagpaparehistro sa mga mall.


Makikita sa larawan ang mga magpaparehistro sa mga upuan, bilang pagsunod sa physical distancing protocols.


Ayon sa pamunuan ng Robinsons Malls, bukas ang 37 nilang malls sa buong bansa para sa voter registration ng Comelec.


Umabot na sa 5-milyon ang bagong registrants, lagpas sa inaasahang bilang na 4-milyon, ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez.


Sa kabuuan, nasa 62 milyon na ang mga rehistradong botante sa bansa para sa susunod na halalan.

 
 

ni Lolet Abania | May 28, 2021


ree

Tinatayang 59 milyong voters ang nakarehistro na para sa halalan sa 2022, ayon sa Commission on Elections (COMELEC).


Ayon kay Comelec Commissioner Antonio Kho, Jr., sa mga nagnanais na magparehistro bilang botante, ito ay maaaring gawin hanggang sa Setyembre.


“We are inviting all our voters, prospective voters to register and go to our offices para makapagrehistro sila at puwede silang bumoto,” ani Kho sa isang televised public briefing ngayong Biyernes.


“As of April... mayroon na po tayong around 59 million voters registered,” dagdag ni Kho.


Sinabi rin ni Kho na dahil sa panganib ng COVID-19 pandemic, nagsagawa ang Comelec ng isang internet portal para sa voter registration. Magtatalaga rin sila ng mga personnel sa mga komunidad habang maglalagay ng satellite registration sa mga lugar.


“Hopefully with all these measures, we will increase our registration... We expect to reach around 60 million plus,” ani Comelec official.


Aniya, aabot sa 61.8 registered voters ang naitala noong 2019 senatorial elections.


Ayon pa kay Kho, tinatayang 7 milyong voters ang na-deactivate ng Comelec sa dahilang sila ay nabigong bumoto nang dalawang beses.


Samantala, masusing imo-monitor ng Comelec ang mga political o campaign ads ng mga kandidato na tatakbo sa eleksiyon sa susunod na taon.


Papayagan ang mga campaign ads ng mga kandidato, subalit limitado lamang ang airtime nito sa radio at television broadcast. Ang political ads naman sa mga print ay kanilang ire-regulate batay sa laki at placement nito sa mga diyaryo o sa billboard habang ang social media ay nasa ilalim ng broadcast.


“Campaign ads are divided between print and broadcast which is TV and radio. Social media will be under broadcast. We will control in terms of expenses incurred in entering contracts with social media carriers,” ani Kho.


Asahan aniya, ang mga pangangampanya ng mga kandidato, gamit ang social media habang mababawasan naman ang mga political rallies dahil sa ipinagbabawal ang pagkakaroon ng mass gatherings sa gitna ng COVID-19 pandemic.


“Sa campaign, we cannot really remove the political rallies. Nandiyan talaga ‘yan sa ating history. Tradisyon na ‘yan sa kampanya. But there will be a strict implementation of safety measures,” sabi ni Kho.


 
 
  • BULGAR
  • Mar 21, 2021

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 21, 2021




Pansamantalang iiklian ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration nang 2 oras simula sa Lunes, March 22 hanggang sa Linggo, April 4 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Ayon sa Comelec, ang oras ng voter registration tuwing Lunes hanggang Huwebes ay mula 8 AM hanggang 3 PM at ang issuance naman ng voter certificatioin ay hanggang 5 PM. Tuwing Biyernes ay magsasagawa naman ng disinfection ang Comelec.

ree

Pansamantala ring sinuspinde ng ahensiya ang satellite registration sa mga barangay halls, daycare centers, covered courts atbp. satellite offices.


Nagpaalala rin ang Comelec sa mga magpaparehistro na sumunod sa health and safety protocols.


Pahayag pa ni Comelec Spokesperson James Jimenez, “Wearing of face mask and face shield is mandatory. To minimize physical contact, the accomplishment of the application form and setting of appointment via irehistro.comelec.gov.ph is encouraged.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page