top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports News | August 4, 2025



Photo: Napasigaw si Jia de Guzman sa harap ni Angel Canino nang magwagi ang Alas Women laban sa Indonesia kahapon. (pilipinaslivefbpix)


Nagpakawala ng matitinding banat si dating UAAP rookie/MVP Angel Anne Canino upang ipamalas ng Alas Pilipinas women’s national team ang dominasyon kontra Indonesia sa bisa ng 25-20, 25-20, 16-25, 25-13, kahapon, upang masiguro ang bronze medal sa first leg ng 2025 Southeast Asia V.League na ginanap sa Terminal 21, Korat sa Nakhon Ratchasima kahapon.


Nakabangon mula sa dalawang sunod na pagkatalo kontra finalist Thailand at Vietnam noong Biyernes ng gabi at Sabado ng hapon upang makuha ng Pilipinas ang ikalimang third place finish sa liga na nagsimula noong 2019. Nakabawi ang Pilipinas sa fourth place finish sa nagdaang 2025 VTV International Cup matapos talunin ng Chinese Taipei sa battle-for-third.


Bumanat ng game-high 23 puntos ang DLSU Lady Spiker outside spiker mula sa 18 atake at 5 blocks kaakibat ang dalawang errors. Naging katambal nito sa iskoring si dating Finals MVP mula NU Lady Bulldogs Alyssa Solomon sa 19 puntos mula sa 14 kills. 


Bumira rin si dating UAAP MVP Eya Laure ng 12 puntos mula lahat sa atake at Fifi Sharma sa 11 puntos galing sa 6 na atake at 3 aces habang nag-ambag din sina middle blocker Dell Palomata ng 8 puntos galing sa atake at ace playmaker at team captain Julia De Guzman sa 5 puntos.


Bagaman lamang sa atake ang Indonesia sa first set ay naging mabisa ang net defense ng Alas, kaakibat ang 6 na errors ng Indonesia sa loob ng 28 minuto. Nakatakdang ganapin ang second leg sa Biyernes hanggang Linggo, Agosto 8-10, sa Ninh Binh Gymnasium sa Ninh Binh, Vietnam sa torneong kaakibat ng Asian Volleyball Confederation (AVC). 

 
 

ni VA @Sports | July 13, 2025



Photo: Preier Volleyball League


 

Bumanat ng huling hampas si Trisha Tubu para ibigay sa Farm Fresh Foxies ang unang panalo kontra Choco Mucho Flying Titans sa 4 sets sa 2025 PVL On Tour sa Ilagan, Isabela kagabi.  


Isang monster block ang pinatikim ni Tubu sa matchpoint ng ika-4 na set at kunin ang 25-23, 19-25, 25-23, 26-24 at unang pumagpag ng kalamyaan at bumura ng sandamakmak na errors.      


Nalampasan ng Farm Fresh Foxies ang 39 errors at sumandal sa lakas ng 22 puntos ni Tubu. Bumalikwas sa unang momentum na hawak ng Titans para isulong sa 13-9 lead at nagpatuloy sa pagkapit sa krusyal na laro at may sagot sa bawat rally ng Choco Mucho.  


Nabuhayan lamang si Des Cheng sa huling bahagi ng laro para palakasin pa ang Flying Titans nang umiskor ng apat na straight points bago nakaungos ang block ni Deanna Wong sa 23-22. 


Nagawa pa ni Rizza Cruz na ipatas ang laro, bago naiangat ni Caitlin Viray ang Foxies sa match point. Pero pumalag pa si Choco Mucho rookie Jen Villegas at puwersahang palawigin sa isa pang set ang game. Ang Foxies ngayon ay may kartadang 1-1 sa Pool A, habang ang Flying Titans ay lumagpak sa 1-3 para sa fifth place.


Magbabalik ang Farm Fresh sa aksiyon sa ngayong Linggo, laban sa Petro Gazz Angels para sa back-to-back schedule sa Ilagan City leg.


 
 

ni Gerard Arce @Sports News | June 30, 2025



Photo: Nagwagi ang Petro Gazz Angels sa pagwalis sa lahat ng sets laban sa Galeries Tower Highrisers sa Pool A action ng 2025 PVL on Tour. CIrculated / Premier Volleyball League (PVL)


Mga laro sa Martes


(FilOil EcoOil Centre)

4:00 pm – PLDT vs Farm Fresh 

6:30 pm – Cignal vs Creamline 


Bawing-bawi sa pagkadismayang nakuha ang All-Filipino Conference titlists Petro Gazz Angels sa pagkabigong nalasap sa unang salang sa Premier Volleyball League (PVL) On Tour matapos walisin ang Galeries Tower Highrisers sa 25-23, 25-21, 26-24 kagabi sa unang sultada sa Batangas City Sports Center sa Batangas City.


Naiwasan ng Petro Gazz na madala pa sa extended na fourth set ang laro matapos kumana ng 6-1 run sa dulo ng third set kasunod ng hataw ng mahahalagang puntos ng beteranong spiker na si Nicole Tiamzon. Mula sa 20-23 bentahe ng Galeries ay sumiklab ang apat na sunod na atake ng Petro Gazz sa pangunguna ni Tiamzon para makuha ang 24-23 na bentahe. 


Nabuhayan ang Highrisers nang maitabla ni Batangas-native Jewel Encarnacion ang laro sa 24-all, subalit agad na ibinalik ang kalamangan sa Angels kasunod ng service error para sa 24-25. 


Bumida sa iskoring si dating two-time league MVP Myla Pablo sa 14 puntos mula lahat sa atake na sinundan ng tig-10 puntos nina Mary Joy Dacoron at Jonah Sabete, na sumalo rin ng siyam na excellent receptions. 


"Well 'yung nga sabi namin wag hanapin ang wala kung sino andyan sila mag-contribute sa team kase andyan naman sila at alam nila ang bawat galaw sila sa team. Maganda naman ang performance ng bawat isa, nagkulang lang kami sa adjustment nung una, at  kailangan lang namin ng maraming communication as a team," pahayag ni Pablo sa post press-conference. Bumagsak naman sa 0-2 rekord ang Galeries na pinagbidahan ni Ysa Jimenez sa 13pts mula sa 11 kills at dalawang blocks kasama ang walong digs., habang sumegunda si Roselle Baliton sa 10 marka at Encarnacion sa siyam.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page