top of page
Search

ni MC @Sports News | August 23, 2025



Marck Espejo - Rank The Mag

Photo: Wala sa team ng Tunisia si Wassim Ben Tara na unang makasasagupa ng Alas Men sa opening day ng FIVB Worlds. (CAVB Facebook)


Magbabakbakan  ang African powerhouse Tunisia at Alas Pilipinas bilang opening-day rival sa FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025 nang wala ang star player nila na si Wassim Ben Tara pero may ipinagmamalaki pa rin silang squad na handang gumawa ng ingay. 


Wala sa official roster si Tara, ang team’s leading scorer noong 2020 Tokyo Olympics nang ianunsiyo ng Tunisia ngayong buwan dahil sa ibang commitments subalit nariyan ang veteran aces na sina Hamza Nagga at Elyes Karamosli para sa world meet sa Set. 12-28 sa Smart Araneta Coliseum at MOA Arena.


Malaking tulong sina Nagga, ang 6-foot-2 opposite spiker, at ang 6-foot-4 outside hitter na si Karamosli kay Tara nang magkampeon noong 2021 African Men’s Volleyball Championship at mapalawig ang record bilang most successful African nation na may 11 titles. 


Ang bago nilang coach na si Camillo Placi ng Italy, veteran tactician na gumabay din sa Russia ay wagi ng bronze medal noong 2008 Beijing Olympics.


Maglalaban ang Philippines-Tunisia sa Pool A ng 7:30 p.m. sa Set.  12 sa MOA Arena, matapos ang makulay na opening ceremony tampok ang pagtatanghal ng K-pop group Boynextdoor at Karencitta.


Kasalukuyang No. 42, ang Tunisia ay pang-11 na best ranked country sa 32-team world joust sa Manila, ang pinakamalaking FIVB edition sa kasaysayan na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at Asian Volleyball Confederation (AVC) president Ramon “Tats” Suzara. Nasa rank 16th ang Tunisia sa 2022 World.  

 
 

ni MC @Sports News | August 20, 2025



Marck Espejo - Rank The Mag

Photo: Unti-unting lumalakas na muli ang laro ni Marck Espejo para sa team Alas Men sa tatlong training camp sa Europe. (rankthemagpix)


Dumanas man ng ankle injury ang isa pang beteranong player ng Alas Pilipinas Men na si Marck Espejo, tulad ni Bryan Bagunas ngayon ay nakarekober na sa training camp niya sa tatlong training camp sa Europa at nitong huli ay sa  Portugal.


I’m taking it day by day, training by training, as I work to catch up with the team after coming back from injury,” ani Espejo mula training camp sa Santo Tirso, siyudad sa Hilagang Portugal kahapon. 


Nakarekober na sina Espejo, 28 at Bagunas, 27 sa mga injuries at gamay na ang laro sa team na pinaghalong mga bata at beterano mula nang simulan ang training camp sa Morocco at Romania at nagtapos sa Portugal.   


Nagwagi ang Alas Pilipinas ranked No. 77 sa mundo ng dalawa sa tatlong tune-up matches kontra national team world no. 81 Morocco at nakalamang ng bahagya sa laro sa Romania.  


Ito ang potensiyal na senyales na malapit na ang Alas Pilipinas sa kanilang misyon sa training camp para sa mas malakas na laro sa FIVB Volleyball Men’s World Championship sa Set. 12 to 28 sa Smart Araneta Coliseum at MOA Arena.


“It’s well-balanced team [Alas] for long-term growth,” saad ni Espejo. “We have experienced veterans and kuyas who provide leadership, and younger players with fresh legs and a lot of energy.” 


 “It’s a huge honor and opportunity to be part of the world championship—playing for your country feels different from playing for your club. I’ll make the most out of it because this is a once in a lifetime experience.” 


“This is a huge opportunity, not just for me, but for the growth of men’s volleyball in the Philippines, I won’t take this opportunity for granted,” aniya.


Sasagupa ang Alas Men sa No. 23 Egypt sa Set. 16 at No. 13 Iran sa Set. 18 sa Pool A action.

 
 

ni Gerard Arce @Sports News | August 18, 2025



PLDT vs Cherry Tiggo - PVL On Tour

Photo: PLDT High Speed Hitters vs Chery Tiggo - PVL



Dumayal at kumonekta ng kampeonato ang PLDT High Speed Hitters at naging perpekto ang kanilang laro sa PVL on Tour nang gibain ang Chery Tiggo Crossovers sa winner-take-all Finals kagabi.


Nakuha ng PLDT ang gold medal habang silver sa Crossovers sa bisa ng 5th sets finished, 25-17, 25-17, 19-25, 24-26 at 15-8 sa 3-2. 





Samantala, naihanay ng winningest volleyball club na Creamline Cool Smashers ang ika-apat na bronze medal sa mahabang kasaysayan sa liga matapos walisin ang Cignal HD Spikers sa bisa ng 25-17, 29-27, 25-17 kahapon sa battle-for-bronze sa Premier Volleyball League (PVL) On Tour sa MOA Arena sa Pasay City kahapon. 


Pambihirang scoring ang ipinamalas ng beteranong spiker na si Michele Gumabao ng humataw ito ng game-high 21 puntos mula sa 16-of-39 atake, kasama ang 3 blocks at 2 aces upang manatiling nakasampa sa podium finish kasunod ng dibdibang semifinal bout kontra first-time finalist PLDT High Speed Hitters. 


"Ibibigay na lang talaga lahat, last game for this match and support lang, pero ako 'di ko iniisip talaga 'yun. We wanted to finish the game on a high note na panalo kami, 'yun lang talaga ang focus kanina for today," pahayag ni Gumabao sa post-press conference kasama sina coach Sherwin Meneses at Alyssa Valdez. 


Sumegunda sa scoring si Jema Galanza sa 13 marka mula sa 12-of-37 kills, kaakibat ang 8 excellent digs at 7 excellent receptions, habang bumanat din si Valdez ng 12 puntos kabilang ang impresibong 4 blocks at 7 excellent receptions. 


"We're looking back I think we have so many lapses and thankfully very specific 'yung mga instructions ni coach, hanggang ngayon kaya maganda 'yung mga improvements ng takbo ng bawat isa towards the latter part of the On Tour. More than ever mayroong kaunting gigil din kami para makabawi kasama na 'yung lahat kaya siguro nakakuha kami ng panalo," paliwanag ng 3-time league MVP na si Valdez patungkol sa pambawing panalo ng koponan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page