top of page
Search

ni MC @Sports News | September 10, 2025



Retamar

Photo: Alas Pilipinas Volley - FB


Magkakaalaman sa bawat dig, reception at block ang uukit sa pagitan ng pananaig at pagsuko laban sa mas matatangkad at seasoned squads, ihahanda ng Alas Pilipinas defenders ang mga sarili sa World Championship sa Set. 12 hanggang 28 sa MOA Arena at Smart Araneta Coliseum.


Sisimulan ng Alas Pilipinas ang Pool A journey sa MOA Arena sa Biyernes, haharapin ang world No. 43 Tunisia sa bagong iskedyul na 7 p.m


Alam nina Middle blockers Kim Malabunga, Peng Taguibolos at Lloyd Josafat ang pagsubok na haharapin sa net. 


Sa halip na ikalumo ang kakulangan sa tangkad, naniniwala ang trio na ang paghahanda, chemistry, at puso ang pundasyon ng kanilang pagtindig laban sa pinaka-astiging players sa mundo at dahil diyan handa sila na umangat sa pagsubok na haharapin. “It’s a big challenge for us middle blockers because we have to protect the team through our blocking,” ayon sa 6-foot-5 na si Malabunga, laban sa  pinakamatanda sa middle blockers sa pool kabilang na si Lucca Mamone.


Para sa 6-foot-6 na si Taguibolos at 6-foot-4 Josafat, ang pagsubok na makaangat laban sa mas matangkad na kasagupa ay hindi maitatanggi, sa halip na panghinaan, pokus sila ngayon sa adjustments lalo na sa blocking.


Aakyatin  ng Pilipinas ang pinakamataas na pagsubok laban sa No. 23 Egypt sa Set. 16 bago harapin ang powerhouse No. 13 Iran sa Set. 18. 


 
 

ni VA @Sports | August 29, 2025



Amin Esmaeilnezhad

FIVB

  

Excited nang makasalamuha ng mga world elite athletes na sina Ran Takahashi ng Japan at ni  Lucarelli ng Brazil ang Pinoy fans at may nakatutuwa silang mensahe maging sa global fans para masaksihan ang world-class action sa  FIVB Men’s Volleyball World Championship  sa susunod na buwan sa Smart Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena.


Naging crowd favorite sa Pilipinas nang maglaro sa Volleyball Nations League, si Takahashi at ang world No. 5 Japanese squad na namuno sa Asya kontra sa 32-nation event na magsisimula sa Set. 12 sa MOA Arena. “We can’t wait to welcome volleyball fans from all over the world. Tickets now on sale! See you at the venues!” Takahasi.


The top volleyball players are coming to the Philippines for the World Championship. Please be at the Arena. I’m looking forward to seeing you there.”


Debut game ito ng Alas Pilipinas sa elite world event laban sa Tunisia sa opener sa Set. 12.


Ang Egypt at Iran lalaban sa Alas Pilipinas at Tunisia s Pool A, habang ang Iranian outside hitter na si Poriya Hossein Khanzadeh ay excited na ring makapagsimula sa worlds na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation ni president Ramon “Tats” Suzara, at pangulo rin ng Asian Volleyball Confederation. “I’m so happy because we’re gonna go in the Philippines for the World Championship. See you soon!” dagdag ni Takahasi.


Pakay ni Lucarelli at ng Brazilian squad, world No. 3 na third placers sa VNL noong Hulyo na makuha ang top spot.  Ang Poland ang naghari sa  VNL at world No. 1, habang ang Italya ang defending world champion at runner-up noong nakaraang buwan sa VNL. “Philippines, get ready! The world’s biggest volleyball stage is coming soon,” ani Lucarelli.


 
 

ni VA @Sports | August 25, 2025



Amin Esmaeilnezhad

Photo: Ang malupit na si Amin Esmaeilnezhad ng Asian power Iran ang makasasagupa ng Alas Men sa FIVB Men's Worlds Volleyball Championship sa Setyembre. (#mwch2025) 



Pangungunahan ni Asia's Best Opposite spiker Amin Esmaeilnezhad ang mga batang Iran team na susunod na makasasagupa ng Alas Pilipinas matapos ang aksiyon sa Tunisia sa Pool A ng 2025 FIVB Men’s World Volleyball Championship sa SM Mall of Asia Arena.


Sisimulan ang Alas Pilipinas-Tunisia match sa world championship ng 6 p.m. sa MOA Arena sa Set.  12, kasunod ng opening ceremony tampok ang K-pop group Boynextdoor habang ang Iranians na nasa Pool A ay sasagupa sa Pinoy ng 5:30 p.m. sa Set. 18.


May ipinagmamalaki ang 28-anyos na si Esmaeilnezhad ang most seasoned players ng Team Melli sa average height na 6-foot-5. Ikalawa ang Iran sa pinakamataas na ranked Asian team na No. 13 sa elite 32-team field sa likod ng Japan (No. 5).


Kasama ang dating Asian Volleyball Confederation Best Setter Javad Karimi at sa gabay ni Italian coach Roberto Piazza, pakay ng Team Mellil na patatagin ang momentum ng rankings mula Hulyo. 


Ang Iran tulad ng Alas Pilipinas ay galing din sa training camp sa Morocco, Romania at Portugal, na babanat din sa world championships na lalaro sa Smart Araneta Coliseum.

Ang 3x defending Asian Games champion ay magsasanay ng isang linggo sa Doha, bago magbalik Manila bilang early birds sa unang linggo ng Setyembre. 


Matapos makaharap ang Egypt at Qatar ng 2x sa Doha, itatampok din ng Team Melli sina opposite spiker Ali Hajipour at outside hitters Morteza Sharifi, Amirhossein Esfandiar at Ali Haghparast na sasabak sa friendly games sa Manila kontra Slovenia sa Set.  9 at Germany sa Set. 10.


Ang Piazza at Team Melli ay magsasagupa sa ika-2nd major tournament matapos ang 9th place finish sa huling Volleyball Nations League noong Hulyo para umangat mula sa 15th place noong 2024. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page