top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 17, 2025



Coco at Julia

Photo: FB Julia Montes



Mahabang taon na rin ang binibilang ng relasyon nina Coco Martin at Julia Montes, kaya naman curious ang lahat na malaman kung ano ba ang sikreto ng kanilang matatag na samahan.


In a rare moment, nag-open up si Julia tungkol sa relasyon nila ng aktor-direktor sa panayam sa kanya ni DJ Chacha sa latest vlog nito.


Aminado ang aktres na hindi talaga maiwasang may mga babaeng nagkakagusto pa rin sa kanyang dyowa kahit na nga ba alam ng lahat na may karelasyon na ito.

Pero good thing, nanatili pa ring matatag ang kanilang samahan at hindi sila nagkasira ni Coco dahil lang sa mga babaeng ito.


“Always remember, in a couple, hindi lang lalaki ang puwedeng magkamali, even babae,” aniya.


“So, always remember, in a relationship, ‘pag mahal mo, may chances ‘yan. ‘Wag naman unang pagkakamali pa lang, eh, no na, ba-bye. Unfair din naman, kasi puwedeng may growth lang din ‘yung tao,” paliwanag pa niya.


Para kay Julia, hindi naman paghihiwalay agad ang solusyon kapag may nagawang mali ang iyong partner. Bukod dito, sobrang naa-appreciate niya na ina-assure rin daw ni Coco ang pagmamahal nito sa kanya.


“Sinecure n’ya rin ako. Umabot din naman ako sa punto na bilang babae, you have your doubts. ‘Yung self-love, kulang, hindi enough. Self-worth, kulang.


“Pero s’ya kasi rin ang nag-aano sa ‘kin, eh. Kumbaga, kailangan n’yo rin mahanap ‘yung partner na sa kanya n’yo rin mismo maa-assure sa sarili n’yo kung saan kayo sa buhay n’ya. Kasi kung hindi rin, ah, medyo mag-isip ka na rin,” pahayag niya.


Nabanggit din ni Julia na sobrang bait ni Coco sa lahat, kaya ang ibang babae ay nami-misinterpret ito at napo-fall sa kanyang boyfriend.


“Pero ‘yun nga, ang pinakamaganda naman kay Coco, lagi n’yang iniisip kung ano ‘yung nararamdaman ko.


“So, nag-a-adjust siya pero alam kong hirap din siya dahil nature na n’ya ‘yun, eh. Maalaga talaga s’ya, eh. So ang ginagawa ko na lang, tutulong din ako. It takes two to tango, always remember. Hindi puwedeng partner n’yo lang ‘yung mag-a-adjust,” paliwanag ni Julia.

Dagdag pa niya, “So, kung ‘yun ang ia-adjust n’ya, bawas-bawasan ‘yung pagiging mabait para hindi ma-misunderstood, babawas-bawasan ko rin ‘yung pag-o-overthink, para maging fair din naman for him. So it takes two to tango talaga.”


Isa pang masasabing sikreto ng kanilang relasyon ay lagi raw siyang nagpe-pray ng guidance from the Lord.


Sinabi rin ni Julia na answered prayer sa kanya ang aktor. Nagdasal siya para sa tamang tao at si Coco ang dumating sa kanya, kaya bakit naman daw niya ito isusuko?


“Ito ‘yung ipinag-pray ko, ito ‘yung ibinigay ni Lord na gift. Ba’t ako titigil? Ba’t ako susuko?

“Parang s’ya ‘yung answered prayer sa lahat ng specific na hiningi ko kay Lord, more than pa ‘yung ibinigay,” sey ni Julia Montes.


Well, sino naman kaya ang mga babaeng umaaligid kay Coco Martin sa showbiz? 



AYON kay Jericho Rosales, in good terms daw siya sa kanyang mga dating nakarelasyon tulad ni Heart Evangelista at ng pinakasalang si Kim Jones.


“Kim is my friend. She’s one of my very, very great friends. Heart is my friend,” sey niya sa latest interview sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).

“Heart is my friend, you know,” dugtong pa niya.


At maganda rin daw ang relasyon niya sa iba pang exes niya dahil ayaw niya ng kaaway.


“Every time I see, you know, whoever is around in Manila, of course, I try to make friends with everyone. Life is too short to have enemies,” aniya.


When asked kung wala bang seloso o selosa sa kanilang dalawa ng girlfriend na si Janine Gutierrez, aniya ay wala.


“Wala talaga and I’m so lucky because, you know, she’s also a great actress and we both know and understand our jobs and, yeah, wala. We don’t like that energy,” pahayag ng aktor.


Mahigit isang taon na ang relasyon nina Janine Gutierrez at Jericho Rosales. Noong Setyembre ay ipinagdiwang nila ang kanilang first anniversary bilang magdyowa.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 16, 2025



Chavit Singson - FB

Photo: Chavit Singson - FB



Dahil sa sunud-sunod na problema ng ating bansa ngayon, naka-hold muna ang mga plano ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson na magdala ng mga South Korean artists dito sa Pilipinas.


“Natatakot na sila ngayon sa mga nangyari,” kuwento ni Manong Chavit nang makausap ng entertainment press during his guesting at Pandesal Forum ng Kamuning Bakery last Tuesday.


Pati nga raw ang plano nila ng South Korean actor na si Lee Seung Gi na pagpapatayo ng isang malaking negosyo sa Pilipinas ay nakabimbin din dahil sa kasalukuyang estado ng ekonomiya natin matapos ang rebelasyon ng malaking katiwalian na nangyari sa flood control projects.


“Pati ang mga fundings ng Korea, pinostpone lahat,” pag-amin niya.

Nagkausap nga raw sila ni Lee Seung Gi at naniniwala nga rin ito na hindi na muna nila dapat ituloy ang plano.


Samantala, sa nasabing Pandesal Forum ay ipinahayag ni Manong Chavit ang kanyang panawagan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos (PBBM).


“For President Ferdinand Marcos, Jr. to do what is legally and morally right by allowing, instead of hindering, the judicial process to investigate, convict, and punish all the guilty for the crimes of corruption and betrayal of public trust,” ang panawagan ng pulitiko kay PBBM.


“If the President cannot or will not do this, then the President should have the decency and courage to resign and step down as this could be the best legacy he can leave behind — sacrificing his presidency for the good of the Republic he has solemnly sworn to serve,” ang payo pa niya kay PBBM.


Nanawagan din si Manong Chavit ng pagkakaisa sa lahat at i-set aside ang anumang political interests and ideologies at sana’y maging united daw lahat for the love of God and country.



SAYA, kilig, drama at aksiyon ang hatid ng mga programa ng GMA Network sa Viu Philippines simula ngayong Oktubre.


Pinangungunahan nina Kapuso Primetime Action Hero Ruru Madrid at aktres na si Kylie Padilla ang nakakakilig at nakaka-in love na TODA One I Love (TOIL)


Bukod sa love story, nariyan din ang kuwento ng kanilang mga pamilya, pangarap sa buhay at siyempre, ang mga pangyayari sa loob ng TODA o ang Tricycle Operators and Drivers’ Association.


Magsasanib-puwersa naman sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Drama King Dennis Trillo sa Cain at Abel (CAA). Gaganap sila bilang magkapatid na pinaghiwalay ng tadhana. Sa kanilang muling pagkikita, haharapin nila ang mga hamon at pagsubok sa pamilya at pag-ibig.


Bukod sa mga ito, mapapanood din nang libre sa Viu Philippines ang iba pang kinagigiliwang Kapuso shows tulad ng Widows’ Web (WW), Hearts on Ice (HOI), Mga Lihim ni Urduja (MLNU), Legal Wives (LG), First Yaya (FY) at marami pang iba.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 13, 2025



FRANKLY - FYANG, UMAMING IPINATAWAG NI DIREK LAUREN NG STAR MAGIC_FB Sofia Smith & IG _direklauren

Photo: FB Sofia Smith & IG @direklauren



Inamin ni Fyang Smith na iniyakan niya ang pagkalat ng pekeng video scandal niya dahil alam niyang wala naman daw siyang ginagawang masama to deserve this.


Sa panayam ni Ogie Diaz para sa vlog nito ay nagsalita ang Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 Big Winner tungkol sa mga fake video scandals niya na gawa raw sa artificial intelligence o AI.


“Actually, ang daming scandal ng AI. It’s an AI, Tito Ogs,” paglilinaw ni Fyang.

“May mga times na naiiyak na ako, Tito Ogs, kasi parang wala naman akong ginawang masama. Hindi ako pumatay, hindi ako nang... or what. Wala akong tinatapakan na tao para gawan ako ng ganu’ng klaseng scandal video na AI,” dagdag pa niya.


Ayon naman kay Ogie ay tila porno video na nga raw ‘yung ginawa kay Fyang at sey naman ng dalaga, napakagaling nga raw ng pagkakagawa.


“Actually, sa sobrang galing nilang mag-AI, parang totoo, Tito Ogs. Parang totoong-totoo ‘yung AI na ‘yun,” aniya.


Nilinaw din ni Fyang ang iba pang kontrobersiyang kinasasangkutan niya at inaming lagi siyang ipinapatawag ni Direk Lauren Dyogi, head ng Star Magic, para pagsabihan.


“‘Yung mga past issues ko, ‘di ba po, dire-diretso s’ya? Every time na may lalabas, ang laking issue na, sobrang parang pumatay ako. Parang pumatay ako, ang laki agad, eh.


“‘Pag ganu’n, Tito Ogs talaga, palagi akong... sa buong issue ko na ‘yun, every day, nasa 12th floor talaga ako, Tito Ogs, office day,” tsika niya.


Nilinaw din ni Fyang ang isa pang video na kumalat kung saan ay tila dinangkal (o dinakma) raw niya ang private part ng ka-love team niyang si JM Ibarra habang nasa stage sila. 


Paliwanag ng PBB Big Winner, sa ibang anggulo raw ng video ay maaaring ganoon ang interpretation.


Sa paliwanag ni Fyang ay ipinapakita niya ang kanyang singsing sa camera pero natapat ‘yung kamay niya sa private part ni JM kaya sa ibang anggulo ay para ngang dinangkal niya ito.


“Sa ibang angle, parang ‘Hala, bakit n’ya dinadangkal, ang bastos n’ya, grabe.’ Ate, hindi ko po dinangkal... hindi naman po ako ganu’n. Ipinapakita ko lang talaga ‘yung singsing,” paglilinaw ni Fyang.


Hindi rin daw totoo ang mga akusasyon sa kanya na malandi, lalakero, malaki na ang ulo at masama ang ugali. Paulit-ulit na lang daw ang isyung ito at lagi na lang siyang nami-misinterpret ng mga tao.


Aminado naman si Fyang Smith na may mga pagkakamali siya noon since bata pa rin siya that time nang magsimula siya bilang vlogger and influencer. Pero lagi raw binabalikan ng mga tao ang lumang videos niya at ginagamit ngayon laban sa kanya.



Utol, ipinagpe-pray daw… DANICA, AYAW NA MAGING PANGULO SI VICO NA HINOG SA PILIT



BILANG ate, proud na proud si Danica Sotto sa kanyang younger brother na si Pasig City Mayor Vico Sotto.


“Sobrang proud ako kay Vico. Nu’ng oath-taking n’ya, sinabi n’ya, ‘di pa tapos ang laban. He didn’t stop there. Hindi s’ya na-secure na parang, ‘Okay. Nakaupo na ako. Quiet na ulit.’ Hindi. That’s how you know that he’s not after the power. A true public servant is ready to serve, and I feel that’s what he’s doing,” saad ni Danica sa panayam ng ABS-CBN.


Aniya pa, ito raw ang epitome ng true public servant.


Pahayag niya, “Makikita mo naman kahit sa mga interview, naka-ID s’ya. Kasi gusto n’yang iparamdam na, ‘I’m also an employee, like you guys. And I’m here to serve.’


“And doon ako pinaka-proud din sa kanya. And si Vico, sobrang humble. Ayaw n’ya ‘yung pinupuri s’ya. ‘Yung ganu’n. Nahihiya pa nga s’ya ‘pag nape-praise s’ya. I’m sure he feels good pero hindi ‘yun ‘yung reason bakit n’ya ginustong maging mayor or maging politician.”


Ito raw ay dahil sa pagod na si Vico sa bulok na sistema at gusto na ng pagbabago.


“And I feel it's really because he really wants to make a difference. And pagod na s’ya sa bulok na sistema. ‘Yung parang bata na gusto na talaga ng change. Proud ako pero ayaw ko rin s’yang i-pressure,” aniya.


Sa tanong ng posibilidad na pagtakbo ni Vico bilang presidente, sey ni Danica, kung ano ang will ni Lord para sa kapatid ay ‘yun ang mangyayari.


“Ipinagdarasal ko kung ano ‘yung will ni Lord. Kasi alam ko ‘yung feeling na parang lahat ng tao... pero in a way baka nape-pressure din s’ya. 


“So I don't want him to feel more pressure or ‘yung feeling na mahinog sa pilit. ‘Yung timing ni God, yes, is all that I want for him. Will and ‘yung plano talaga. And I know God has amazing plans for him,” saad ni Danica Sotto.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page