top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 7, 2025



Neri Miranda - IG

Photo: Neri Miranda - IG



Unti-unti nang nakaka-recover si Neri Naig Miranda mula sa trauma na pinagdaanan niya last year kung saan ay nasangkot siya sa isang investment scam na naging dahilan ng kanyang pagkakakulong.


Sa kanyang Instagram (IG) post kahapon, sinabi ng aktres na bumabalik na raw ang kanyang normal routine na nawala dahil sa pinagdaanang mabigat na pagsubok.


“Masaya ako kasi unti-unti, bumabalik na ang routines ko. Nawala talaga sila dahil sa trauma na pinagdaanan ko, pero heto ngayon... slowly living, slowly healing. Hindi pa 100%, pero nag-i-improve, nagiging functional ulit,” sey ng dating aktres.

Binanggit din niya na malaking bahagi ng kanyang therapy ang mga alagang manok.


“At malaking parte ng therapy ko, ‘yung mga manok ko.

“Iba-iba tayo ng paraan ng pag-heal at pag-cope. Hindi s’ya madali, pero ang importante... lumalaban para sa pamilya,” sey niya.


At para sa mga taong dumadaan din sa pagsubok ng buhay, payo ni Neri na matuto ring lumaban tulad ng kanyang ginawa.


“At sa ganitong paraan ng pag-share, sana may ma-inspire na mas lumaban din sa buhay. Hindi madali, yes... I know, pinagdaanan ko ‘yan. Pero palagi kong ipinapaalala sa sarili ko: hiram lang natin ang buhay na ito sa Panginoon. Kaya alagaan natin. At tandaan, may pamilya tayo na nand’yan, patiently waiting for us to heal 100%.


“In God’s perfect time, magiging okay ka rin.


“For now, one step at a time. Maybe try writing your thoughts down, or plant a tomato,” payo ng misis ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda.


“Kaya always be kind. You never know what someone is going through. Hindi man nila ipinakita, pero ‘di mo alam ‘yung bigat na dinadala nila at kung paano sila lumalaban araw-araw,” pagtatapos ni Neri.


Matatandaang sinampahan ng patung-patong na kaso ang dating aktres dahil naakusahan siyang may kinalaman sa investment scheme ng isang beauty company. Matapos maaresto noong November last year ay nakalaya rin siya the following month. Noong February 2025 ay na-dismiss naman ang lahat ng kasong isinampa laban kay Neri Naig dahil sa kawalan ng ebidensiya.



Depressed pa rin…

RUFA MAE, PRAMIS NA MAGSASALITA SOON SA PAGKAMATAY NG MISTER



Ayon kay Rufa Mae Quinto, depressed pa rin siya hanggang ngayon pero ang maganda naman sa kanya, idinadaan na lang niya sa biro ang kanyang kalungkutan. Tulad pa rin siya ng dati na bubbly at hindi mahahalatang may pinagdaraanan.


Sa latest post ng sexy comedienne, marami ang naaliw sa kanyang mga pinagsasabing

jokes.


“Good morning, friends! They say that every gising is a blessing. But for me, every gising is an eye-opening experience. Because when you gising, you have to open your eyes first, ‘di ba?” simula niya.


Biro pa niya, dahil depressed pa siya, ‘depresso’ raw ang iniinom niya at hindi espresso.

“And here I am drinking coffee again because after everything that happened, I’m still feeling depressed. So today, instead of my favorite espresso, I’m having depresso! And I’m drinking it de-mug because it’s not decaf! With it, I’m also wearing my coffee shirt because if I’m drinking tea, I will be wearing a tea-shirt!” sunud-sunod na hirit ni Rufa Mae.

Kasunod nito ay sinabi rin niya na maglalabas siya ng statement soon.


“Maraming realizations after all that has happened to me recently. And I’m planning to make a statement about it on my YouTube (YT) channel soon, so watch out for that!” aniya.

Pero pagkatapos nito ay bumanat na naman siya ng joke.


“One realization is that now ko lang nalaman that Cappuccino & Frappuccino pala are not Chinese but Italian. So be careful, because pronunciations, just like looks, can be this evening! So, go, go, Google!” sey niya.


Matatandaang biglaang pumanaw ang asawa ni Rufa Mae na si Trevor Magallanes sa United States of America (USA) nitong nakaraang Hulyo na ikina-shocked talaga ng komedyana.


That time ay hiwalay na sila at naririto siya sa Pilipinas kasama ang anak kaya nagulat na lang siya nang malaman niyang pumanaw na ang mister.

Nangako siyang aalamin niya ang detalye ng pagkamatay ng asawa at ipapaalam sa publiko. Ito marahil ang tinutukoy niyang maglalabas na siya ng statement soon sa kanyang YT channel.



 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 6, 2025



Beauty Gonzales - Instagram

Photo: Liza Soberano - Instagram



Sinagot ni Liza Soberano ang isang basher na tinawag siyang ‘hypocrite’ sa kanyang recent post sa X (dating Twitter).


Ini-repost ng aktres ang isang ABS-CBN news item na nagsasaad na 7 menor-de-edad ang nai-rescue ng awtoridad sa isang entrapment operation.


Sa caption ay ipinaliwanag ni Liza na kumpirmadong ang Pilipinas ay global hotspot for Online Sexual Exploitation of Children (OSEC).


“A study by the @IJM in partnership with the Philippine Government and a variety of stakeholders, under the U.S.-Philippines child protection compact confirmed that the Philippines is a global hotspot for OSEC with data from participating law enforcement agencies globally showing that the country received more than eight times as many referrals as any other country during the 2010-2017 baseline period,” caption ni Liza.


Maraming netizens ang nag-react sa kanyang post — may positibo at negatibo. Ang ilan ay nagpasalamat sa kanya for speaking up, habang ang iba naman ay binash siya at sinabihang ipokrita.


“Hypocrite @lizasoberano. You dip your fingers in Ph society again because you can’t criticize sensitive issues vs. US, your birthland and now homeland. Your own claimed trauma happened in the US so why didn’t you call out US government agencies that protect children’s rights and welfare?” komento ng netizen.


Hindi ito pinalampas ng aktres at agad niyang sinagot.


“I don’t know, maybe because I’m more passionate about Filipino people? Maybe because literally nobody else with a platform is willing to shed light and talk about the horrible things happening to the Filipino people. The US has their own problems but there are millions of educated people who are loud and fighting to bring awareness and make change,” saad ni Liza.


Dagdag pa niya, “If I’m being honest the Philippines does not have a lot of that and it’s people like you that are perpetuating the abuse and lack of accountability. Instead of acknowledging that there are things that need fixing you’d rather turn a blind eye because it’s not affecting you.”


Sa huli ay sinita niya ang basher at sinabing, “Shame on you. Shame on everyone who remains silent when evil things are being done to the people around you.”


Sinagot din ng aktres ang pumuna sa kanyang typo error. Sa halip kasi na “stakeholders” ay “steak holders” ang kanyang natipa kaya ikinorek siya ng iba.


“Lol! (laugh out loud) at the amount of comments correcting my typo. That’s not the point, people. Instead of policing my English, why don’t we practice being informed about what’s going on in our country. There are horrible atrocities being committed towards the most vulnerable people in our country and the people in power need to be held accountable for not being able to protect them,” sagot ni Liza.


Paliwanag pa niya sa isa niyang reply, “Thank you po. I was just so mad the moment I started typing, lol. Didn’t catch the typo.”

Kaya naman pala.



HER MAJAsty is back!


Pasabog ang pagbabalik-Kapamilya teleserye ni Maja Salvador kung saan pagbibidahan niya ang inaabangang primetime serye ng ABS-CBN.

Makakasama ni Maja sa naturang proyekto ang dalawa pang bigating artista na sina Kathryn Bernardo at James Reid.


Kinumpirma ito ng Dreamscape Entertainment kahapon (Setyembre 5) sa isang video na ipinost sa social media kung saan nasa isang photoshoot sina Maja, Kathryn, at James at may caption na: “Someone is going to mess with them.”

Natuwa naman ang mga fans sa balita dahil matagal na nilang inaabangan ang pagsasama-sama ng tatlong bigating stars sa isang primetime teleserye ng ABS-CBN.


Katulad nina Kathryn at James, magsisilbi rin itong Kapamilya teleserye comeback ni Maja pagkatapos ng The Killer Bride (TKB) noong 2019 at nagkaroon din siya ng special guest appearance sa The Iron Heart (TIH) noong 2022.


Una nang inanunsiyo ng serye ang pagtatambal nina Kathryn at James kung saan nagtala ang video teaser ng higit 3.5 milyong views sa loob ng 24 oras.

Abangan ang iba pang detalye sa social media accounts ng Dreamscape Entertainment.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 5, 2025



Beauty Gonzales - Instagram

Photo: Beauty Gonzales - Instagram



Sa hindi inaasahang pangyayari, nalaglag ang bikini panty ni Beauty Gonzalez habang nagsu-swimming siya kasama ang anak na si Olivia.


Ikinuwento ito ng aktres sa kanyang Instagram (IG) account, with matching video pa. Of course, hindi na niya ipinakita pa ang part na nalaglag ang kanyang panty.


Ayon kay Beauty, 10 years ago pa raw nang bilhin niya ang kanyang two-piece swimsuit na floral red and black, as seen in the video.


“So I woke up kinda happy that the bikini I bought 10 years ago before Olivia was born STILL FITS!! I haven’t worn it for at least a couple of years,” pagbabahagi ng aktres.

Kasama ang anak, makikitang tumalon silang dalawa sa swimming pool.


Kuwento ni Beauty, “So I pranced all the way to the pool feeling proud and good about myself. Ordered my wake up martini then @oliviainescrisologo and I held hands for our traditional morning cold plunge. Splash!! THEN…”


At dito na raw nalaglag ang kanyang bikini hanggang tuhod.

“As I swam upwards for a breath of fresh Rajasthan air, my bikini bottom was hanging halfway down to my knees. Literally laglag-panty. Hahaha!” aniya.


Buti na lang daw at walang ibang tao nang sandaling ‘yun kundi sila lang mag-anak. 


Obviously, ang kumukuha ng video ay ang kanyang mister na si Norman Crisologo dahil naririnig ang boses nito sa background.


“Lucky there was nobody around so we all had a good laugh. Upon inspection, the garter lost its elasticity so wala nang kapit. As you can hear, alaskado ako sa asawa ko. All in a day’s fun in the sun,” sey ng aktres.


Maririnig nga sa video na nagbibiro ang mister niya na kasya ito sa panty ni Beauty Gonzalez dahil sa sobrang luwang.



Sobrang hurt…

BILLY, ABSENT NANG MANGANAK SI COLEEN, SINUMBATAN NG ANAK



ABSENT pala si Billy Crawford sa panganganak ng kanyang misis na si Coleen Garcia sa second baby nila last Aug. 17. Hindi raw siya umabot dahil nasa eroplano pa lang siya that time pauwi ng Pilipinas.


Kuwento ni Billy sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), ang plano raw talaga nila ay manganak ang wifey niya sa pamamagitan ng water birth tulad ng ginawa nila sa panganay nilang anak na si Amari.


“Hindi na s’ya umabot sa pool. Hindi na umabot, actually pati ako, ‘di umabot. I wasn’t there when Austin was born. I was on the airplane on my way back home,” sey ng singer-dancer-TV host.


Dahil nga wala siya nang manganak si Coleen, panay daw ang sumbat sa kanya ng anak nilang si Amari.


“Si Amari, ‘di n’ya ako tinantanan na araw-araw n’ya sinasabihan, ‘You weren’t there when Austin was born.’ Oo, kaya masakit, masakit magsalita ang anak ko,” natatawang biro ni Billy.


Napakabilis nga raw ng pangyayari at ang kapatid ni Coleen ang nagme-message sa kanya ng mga kaganapan.


“Twelve, 24 hours pa ‘yan. Okay, a few minutes later, ‘Ate gave birth.’ So ‘yun ‘yung hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko but I just feel so happy, Tito Boy, so blessed,” pagbabahagi ni Billy.


Puring-puri naman niya si Coleen dahil sa tapang at pagsasakripisyo nito para sa kanilang pamilya.


“That woman has given up everything, sacrificed her entire life for our kids and for me, especially, kaya ‘yung support system ko, I have to do and I have to be more for her and for them,” saad ni Billy Crawford.


Well, sana ay present na siya sa susunod kung meron pa, para hindi na siya mabira ni Amari. Hahaha!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page