top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 08, 2021



ree

This coming October 17 ay ipagdiriwang ni Bea Alonzo ang kanyang ika-34 kaarawan. And of course, may iba pa bang kasamang magse-celebrate ang aktres ng kanyang birthday kundi ang boyfriend na si Dominic Roque?


In fact, mukhang excited na nga si Dom sa nalalapit na kaarawan ng girlfriend dahil niyaya na niya ang dalaga na mag-beach.


Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Dom ng larawan nila ni Bea na nasa beach at sa caption, he wrote, “Lapit na birthdayyy mo…beach na tayo…(with heart emoj)”


Sinagot naman ito ni Bea. Aniya, “Lika na pleaseeeee.”


Kasunod nito ay ang aktres naman ang nag-post ng sweet photo nila ni Dominic sa kanyang IG kung saan ay makikitang hinahalikan niya sa cheeks ang BF.


Caption ni Bea, “I can’t wait to go on another trip with you @dominicroque.”


Sinagot ito ng aktor ng “Lapittt na…(flying kiss emoji).”


Grabe! Nilalanggam sa katamisan sina Bea at Dom!

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 05, 2021


ree

Dahil nagbigay ng pahayag si Raffy Tulfo some months ago na hindi siya interesadong pumasok sa pulitika, naba-bash tuloy siya ngayon dahil nga sa pagbabago niya ng plano.

As we all know ay tuloy na tuloy na ang pagtakbo ni Raffy bilang senador at nag-file na nga siya ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) last Saturday.


Binalikan tuloy siya ng mga netizens at ipinaalala ang dati niyang pahayag na hindi siya tatakbo dahil kaya naman daw niyang tumulong kahit wala siyang posisyon sa gobyerno.


Sa latest vlog ni Ogie Diaz and Mama Loi, nakausap daw niya si Raffy at nagpaliwanag kung bakit nga nagbago ang kanyang isip.


“Ang sabi niya, 'Siguro, kung magiging senador ako, mas malalapitan ko ang mga government officials, mas malalapitan ko ‘yung mga gabinete at ‘yung mga inirereklamo ng taumbayan sa gobyerno. Kasi senador na ako at hindi nila ako puwedeng dedmahin,’” pagbabahagi ni Ogie sa usapan nila ni Raffy.


Dagdag pang paliwanag ni Ogie, madalas daw kasing mangyari na 'pag government official ang inirereklamo kay Raffy ng isang tao, hindi raw ito sinasagot ng public servant na involved.


“Ngayon daw, kung mananalo siyang senador, haharapin na siya kasi senador na siya. At the same time, mapapalawak pa ang kanyang mga tinutulungan,” sey pa ni Ogie.


Anyway, kahit naman maraming bashers si Raffy ay nananatili siyang nangunguna sa Pulse Asia poll ng senatorial race.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 04, 2021



ree

Pinakilig na naman nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang kanilang AshMatt fans sa bagong Swatch commercial nila. Thirty-one seconds lang ang video advertisement pero busog na busog ang mga fans dahil solid na mapapanood ang AshMatt sa buong duration with matching sweet moments. Bukod pa nga rito ay napakaganda’t napakaguwapo nila in formal wear. Bagay na bagay kay Sarah ang kanyang simple but elegant na black gown.

Mas lalo pang kinilig ang mga fans sa caption ni Matteo nang i-post niya sa Instagram ang video. “Ladies & Gents, I’d like to share with you how proud I am of this lady, my wife. The journey was never easy, and that’s exactly what makes us who we are today. “You’ve evolved, you’re empowered. And our lives are forever changed. “Love, we’ve overcome boundaries,” ang caption ni Matteo at ito ring mga salitang ito ang maririnig mula kay Matteo sa kanilang commercial. Hindi lang ang mga fans ang kinilig kundi pati mga kapwa nila celebrities tulad ni Iza Calzado na nag-react ng tatlong heart emojis. Komento naman ni Judy Ann Santos, “galing” with matching clapping hands sign emoji. Ang iba namang fans ay nagkomento na naiyak sila sa sobrang ganda ng commercial at sa labis na kilig


“I can't breathe. Kinikilig ako sa inyo. Jusko,” komento pa ng isa. Pero may mga netizens din na nagkomentong mukhang preggy na raw si Sarah. “She looks like she is expecting. She has a different glow and also have reasonably gained weight,” komento ng isang netizen. “Feeling ko, may little Ashmatt na, my Ashmatt heart,” saad naman ng isang AshMatt fan. “Why do I feel like I'm the only one who thinks that the pregnancy announcement is coming really soon,” sey naman ng isa pang netizen. “Parang buntis na si Sarah, ganda n'ya, grabe!” puna ng isa pa. Anyway, noon pa’y napakarami nang humihiling na pagsamahin ang AshMatt sa isang teleserye o pelikula pero up to now ay hindi pa ito nangyayari at hanggang commercial pa lang sila nakikitang magkasama.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page