top of page
Search

IPINAGSIGAWANG IBOBOTO SI WILLIE.


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 09, 2021


ree

Ipinagsigawan ni Kris Aquino on national television na iboboto at susuportahan niya si Willie Revillame sakaling matuloy ang pagpasok nito sa pulitika sa 2022 elections.


Sa pagbabalik-telebisyon ni Kris kahapon bilang guest co-host sa Shopee 8.8 ay abut-abot ang pasasalamat ng Queen of All Media kay Willie dahil ito raw talaga ang nagpursige na makabalik siya sa TV.


“Si Willie talaga was really trying to find a way to get me to co-host with him. Way before Shopee came into our lives, way before anything else happened, he really wanted to give me a chance to get a comeback,” kuwento ni Kris.


Kaya kung saan man daw mapunta si Willie ay maaasahan nito ang kanyang suporta na siyempre, ang tinutumbok ay ang pagpasok ng kaibigan sa pulitika bilang senador.


“Kung anuman ang magiging landas na tatahakin ni Willie, kung saanman siya papunta, he can count on me to be there for him kung saanman ‘yun. He has my love, my support, hindi ko alam kung puwedeng sabihin na boto, pero sa kanya ako,” deklara ni Kris.


Sandaling napatigil si Kris sa pagsasalita dahil tila binawalan na siya ni Willie.


“Bakit? Shut up na ‘ko? Sige, alis na ako, baka mapauwi ako,” sey ni Tetay.


At this point ay umakyat na si Willie sa stage at lumapit kay Kris na tila gusto niya itong patahimikin.


“What?” sabi ni Kris.


“Ikaw na nga ang bahala sa gusto mong sabihin, bahala ka na, naguguluhan ako! Kris, Shopee ‘to! Hindi ‘to love story, okay?” sey ni Willie.


Sagot naman ni Kris, “Ano’ng love story? Wala naman akong love story na sinasabi. Sinabi ko lang nagpapasalamat lang ako sa ‘yo.”


“Hi, Josh! Hi, Bimby!” sey pa ni Willie at ipinakilala na sina Ariela Arida at Andrea Torres para maputol na ang sinasabi ni Kris.


Well, we’d say, hindi pa rin talaga nagbabago ang kataklesahan ni Kris at ang pagiging madaldal and funny niya.


Samantala, wala pang official announcement si Willie kung tatakbo siyang senador pero sa malas ay mukhang tuloy na tuloy na ito.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 08, 2021



ree

Masayang-masaya ang real-life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles dahil kahit pandemic ay bongga pa rin ang kanilang mga careers. Mukha ngang taon nila ang 2021 dahil nakaka-dalawang pelikula na silang pinagbibidahan this year.


Mula sa kanilang unang successful na team-up sa pelikulang Ang Babaeng Walang Pakiramdam, ngayon naman ay nakatrabaho nila ang romantic movie hit maker na si Direk Irene Emma Villamor sa pelikulang Ikaw at Ako at Ang Ending.


Ayon kina Kim at Jerald (KimJe), ang Ikaw at Ako at Ang Ending ang pinaka-daring movie nila so far. Sa trailer pa nga lang ay makikita na ang maiinit nilang love scenes and good thing, magdyowa nga sila in real life kaya mas madali para sa kanila na gawin ang mga naturang eksena.


Sa virtual mediacon ay natanong nga ang KimJe kung hanggang saan ba ang kanilang limitasyon sa daring scenes. Kaya ba nila ang frontal nudity?


Parehong “no” ang sagot ng magdyowa.


“Actually, hindi ko masasagot, pero sa ngayon, hindi,” sey ni Jerald.


Pabiro namang sabi ni Kim, ayaw na raw niyang bigyan pa ng alalahanin ang kanyang mga magulang.


“Sa nangyayari po sa mundo, ang magulang ko po ay malayo, ayoko na pong dagdagan ang maiisip ng tatay ko, hindi ko na lang po gagawin,” ani Kim.


Ito nga raw trailer ng Ikaw at Ako at Ang Ending ay hindi pinanood ng tatay niya ang trailer.


“Ayaw ko pong bigyan ng sakit ng ulo ang tatay ko, so hindi pa po natin kailangang. . .” biting sey ni Kim.


Dagdag pang biro ng aktres-singer, “Parang hindi rin gugustuhin ng audience.”


Seriously, hindi raw niya kailangan talagang maghubad nang todo sa pelikula kahit pa tapatan pa ng 5 million pesos.


“'Pag P55M, kausapin ko po tatay ko,” pagbibiro pa ni Kim.


Mapapanood na ang Ikaw at Ako at Ang Ending globally sa mga streaming platforms na ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV at sa VIVAMAX sa Aug. 13.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 07, 2021



ree

Punumpuno raw ng emosyon ang mga eksena ni Kapuso actor Jak Roberto para sa upcoming GMA series na Stories From The Heart: Never Say Goodbye.


Sa sobrang intense nga raw ng isa sa mga eksena kasama ang co-star na si Klea Pineda ay napalakas ang suntok ni Jak at nagkasugat ang kanyang kamao.


"Kailangang magalit ako sa character ni Klea, kay Joyce. So, halu-halong galit, frustration, betrayal. Ganu'n 'yung nangyari kaya kailangan kong ilabas ang lahat."


Bukod kina Jak at Klea, bibida rin sa serye ang nagbabalik-telebisyon na si Lauren Young at beteranang aktres na si Ms. Snooky Serna.


May napansin naman si Snooky sa kanyang mga co-stars, “Iba talaga ang vibe ng mga kabataan ngayon, pero 'yung professionalism, nandoon. And 'yung joy for taping, nandoon.”

Abangan ang Stories From The Heart: Never Say Goodbye soon sa GMA-7.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page