top of page
Search

KAHIT TODO-PASEKSI NA SA MOVIE.


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 18, 2021


ree

Suportado ng Miss International organization ang launching movie ni Kylie Versoza na The Housemaid kahit pa nga may mga sexy scenes dito ang aktres.


“Sobrang supportive sila sa lahat ng ginagawa ko,” sabi ni Kylie sa virtual mediacon ng The Housemaid, “kahit photo shoot pa lang ‘yun. Mas lalo na sa pelikulang ito. Actually, nagko-comment nga sila ru’n sa trailer na kaka-post ko lang, and they even messaged personally na ‘Congratulations.’ Parang they’re looking forward to watch it.”


Ayon pa kay Kylie na nanalong Miss International in 2016, hindi naman siya nagpapa-sexy kung hindi kailangan sa story.


“Willing ako if the project is right and if the material is right. Hindi lang talaga po ako gagawa ng sexy para lang alam mo ‘yun, para lang sexy film or hindi po ako gagawa ng isang bold film. Gagawa po ako kapag gusto ko po ‘yung material, kung gusto ko ‘yung character, kung gusto ko ‘yung director,” sey ni Kylie.


Sobrang grateful daw siya sa Viva na sa kanya ibinigay ang proyektong ito dahil pangarap niyang makagawa ng mga ganitong klaseng pelikula.


“Sobrang nagpapasalamat po talaga ako sa Viva na napunta sa akin itong project na ‘to kasi it’s really been a dream of mine to make a movie like this. Type ko talaga ‘tong mga movies na ganito, ‘yung psychological thriller. Parang ito talaga ‘yung genre na gusto ko, ‘yung mga gusto ko rin na panoorin,” pahayag pa ni Kylie.


Sa The Housemaid ay may mga love scenes sila ng leading man na si Albert Martinez at sobrang honored ni Kylie na nakatrabaho ang magaling na aktor.


Ginagampanan ni Kylie sa movie ang role na housemaid na inakit ang amo played by Albert. Kasama rin sa pelikula sina Jaclyn Jose at Louise delos Reyes mula sa direksiyon ni Roman Perez.


Magsisimula nang mapanood sa September 10 ang The Housemaid exclusively sa Vivamax.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 17, 2021


ree

Kung may choice lang daw siya, ayon kay Daniel Padilla ay hindi siya papayag na may ibang kapareha ang girlfriend na si Kathryn Bernardo.


“Hindi ko maiiwasan in the future, magkakaroon na naman siya (Kathryn) ng ibang partner. Ako, magkakaroon ako. ‘Yun ‘yung mga sitwasyon na mahirap din sa isang relasyon,” ani Daniel sa kanyang panayam with Boy Abunda sa digital show ng TV host na The Purple Chair Interview Presents Daniel Padilla.


“Dahil ako, as a person, siyempre, kung may choice ako, papayag ba ako na may partner (na iba si Kathryn)? Hindi, 'no! Siyempre, 'di ba? Ako lang ang puwedeng humawak sa kamay ng nobya ko,” aniya.


Pero siyempre, bilang artista, alam niyang hindi naman puwede na sila na lang parati ang magkapareha.


“Pero ‘yun na nga, eh. Nandito tayo sa mundo, nandito tayo sa industriya na ‘to,” aniya.

Aminado rin ang aktor na seloso siya pero kampante naman daw siya kay Kathryn.


“Ako, seloso ako, pero hindi ako nagseselos kay Kathryn kasi alam ko, wala namang dating sa kanya ‘yung mga lalaki. ‘Pag ako nagselos, du’n ako bad trip sa kung sino ang lumalapit sa kanya. ‘Yun ang kakausapin ko,” sey ni Daniel.


Ang ganda ng sagot ni Daniel nang tanungin kung ano ang memory na lagi niyang naiisip tungkol kay Kathryn.


“Moments na ‘yung 'pag lasing na ako at hindi ko na kaya, ‘yung moments na siya ‘yung mag-aalaga sa akin is my favorite part. ‘Yung 'pag nakita ako, inaalalayan ako, that’s my favorite part,” ani DJ.


Dagdag pa niya, “Saka tuwing may sakit ako na malala, nandu’n ‘yan, bantay. ‘Yun ‘yung mga tsine-cherish ko. Ano ako, eh, pa-baby ako 'pag ganu’n. Pa-baby ang dating ko.”

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 15, 2021



ree

Nagsimula nang mag-taping si Julia Montes para sa FPJ’s Ang Probinsyano kahapon at talagang dumayo pa sila sa Ilocos Sur for the location. Inanunsiyo mismo ito ng head ng Dreamscape na si Deo Endrinal sa kanyang Instagram with matching short clip sa location.


“Today is the first taping day of Julia Montes for Ang Probinsyano in Ilocos Sur,” ang caption ni Sir Deo.


Makikita ring talagang pinaghandaan ni Julia ang kanyang role dahil dumaan muna siya sa training bago siya sumabak sa taping. At mismong ang leading man niyang si Coco Martin ang nagte-train sa kanya at hands-on talaga ang aktor sa kanyang pagsasanay.


Sa isang video na inilabas ng ABS-CBN, makikitang mabusisi talaga ang pagtuturo ni Coco kay Julia mula sa galaw ng mga kamay, tamang posture at mga tamang moves sa fight scenes.


May mga lumabas ding video na makikitang nagsasanay si Julia sa pagbaril at pagmomotorsiklo.


Bukod pa rito ay may Muay Thai instructor pa na kinuha para i-train din si Julia.


Ngayon pa lang ay napakarami nang nag-aabang sa paglabas ni Julia sa FPJAP lalo pa nga’t TV comeback ito ni Julia after a long while.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page